Habang inilunsad ng bansa noong Marso 1 ang pinakahihintay nitong vaccination program laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy ang mga salasalabat na pahayag ng Palasyo kung kailan magpapabakuna ang 75-gulang na si Pangulong Rodrigo Duterte, at kung ito ay ipakikita sa publiko. (Tingnan ang A show of trust: Philippine public health officials receive first jabs of Sinovac vaccine)
Mula sa tahasang pagsasabi noong Agosto ng nakaraang taon na siya ang magiging “una” sa linya ng babakunahan — at sa harap ng publiko — para itaas ang kumpiyansa sa kaligtasan at pagiging epektibo ng mga jab, sinabi ni Duterte noong Oktubre na siya ay maaaring maging huli, at ngayon, sinabi na “hindi siya maaaring magpasya” na magpabakuna nang walang rekomendasyon ang kanyang doktor.
Sinubaybayan ng VERA Files kung paano nagbago ang mga pahayag ng Palasyo sa pagdaan ng panahon tungkol sa bagay na ito:
Mga Pinagmulan
PTV, PANOORIN: Laging Handa Special Coverage | March 1, 2021, March 1, 2021
Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19):
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Jan. 19, 2021
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Feb. 15, 2021
Office of the Presidential Spokesperson, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Feb. 22, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)