VERA FILES FACT CHECK: Sara Duterte-Carpio muling nagbago ng posisyon sa ‘mandatory’ face-to-face classes pagsapit ng Nobyembre
Sa bagong department order, binaliktad ni Education Secretary Sara Duterte-Carpio ang kanyang naunang direktiba sa pamamagitan ng pagpayag sa mga pribadong paaralan na magpatuloy sa pagdaraos ng full distance o blended learning pagkatapos ng Nobyembre 2.