VERA FILES FACT SHEET: Ano ang ibig sabihin ng pagbaba ng edad sa mga paghihigpit sa e-cigarette smoking para sa kabataan
Ang pagbaba ng minimum age ng mga taong maaaring bumili, magbenta, o gumamit ng vapes at electronic cigarettes sa 18 taong gulang ay nangangahulugan nang pagbibigay sa mas bata ng access sa mga produkto na may masamang epekto sa kalusugan na maaaring humantong sa substance abuse, sinabi ng mga medical at health expert.