VERA FILES FACT CHECK: Sara Duterte nagbago ng isip tungkol sa pagtakbo bilang pangulo sa 2022
Anim na buwan matapos ang mahigpit na deklarasyon na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo sa 2022 elections, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na bukas na siya ngayon sa posibilidad na humalili sa kanyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte, sa Malacañang.