Anim na buwan matapos ang mahigpit na deklarasyon na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo sa 2022 elections, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na bukas na siya ngayon sa posibilidad na humalili sa kanyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte, sa Malacañang.
PAHAYAG
Sa isang pagbisita noong Hulyo 9 kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia sa Cebu provincial capitol, sinagot ni Duterte-Carpio ang ilang katanungan mula sa media. Ganito ang isang bahagi ng Q&A;:
“Question: Wala pa kayong decision ma’am, if you will run for president in 2022 (kung tatakbo kang pangulo sa 2022)?
Duterte-Carpio: Wa (Wala). Ang importante sa pagkakaron is mahibalhan namo kung unsay ginaho muna sa mga tao unsay gusto sa mga tao (sa ngayon ay alam natin ang sentimyento ng mga tao at kung ano talaga ang gusto nila).
Question: But you’re open to it [running for president] (Ngunit bukas ka dito [tumakbo bilang pangulo])?
Duterte-Carpio: Yes (Oo). Opo.
Source: Sugbo News, LIVE from Capitol: Sara Duterte visit, Hulyo 9, 2021, panoorin mula 19:20 hanggang 19:40
FLIP-FLOP
Bagama’t sinabi ni Duterte-Carpio na hindi pa siya nagdedesisyon tungkol sa pagtakbo bilang pangulo sa May 2022 elections, ang kanyang pinakahuling pahayag ay nagpahiwatig ng pagbabago ng isip tungo sa posibilidad na maghangad ng mas mataas na posisyon. Nangunguna siya sa listahan ng mga napipisil na kandidato para sa panguluhan, batay sa mga pinakahuling survey.
Noong Enero 30, umapela si Duterte-Carpio sa kanyang mga tagasuporta, na nagpakilos ng “Run, Sara, Run for President for 2022” movement, na maghintay hanggang 2034 “kung, sa panahong iyon, may magagawa [siya] para makatulong sa bansa.” Pinapayuhan niya ang publiko na huwag mag-ambag sa anumang “fund-raising o campaign money solicitation” para sa kanyang kandidatura.
Sa isang guesting noong Peb. 22 sa Davao City Disaster Radio na pag-aari ng gobyerno, sinabi ng two-term na mayor ng Davao City:
“Is there a chance na magbago ako ang hinauna sa pagkakaron? No. There’s no chance magbago ako ng hinauna. Kung sa aking mga rason, I do not want to enumerate the reasons. At dili naman siya isa, daghan siya. Because mataas na ang istorya. And … maka-offend or naimo na ma-hurt ang mga tao.”
(May posibilidad ba na magbago ako ng isip sa kasalukuyan? Wala. Walang posibilidad na magbago ako ng isip. Kung sa aking mga rason, ayaw kong sabihin ang mga dahilan. At hindi naman ito isa lang, marami siya. Dahil mataas na ang istorya. At … ayokong makasakit o makasakit ng mga tao.)
Pinagmulan: Davao City Disaster Radio official Facebook page, Special Hour with Mayor Sara Duterte, Peb. 22, 2021, panoorin mula 1:13:11 hanggang 1:13:37
Si Duterte, na hayagang sinasabi na ayaw niyang tumakbo bilang pangulo ang kanyang anak, ay nagsabi sa isang panayam sa media noong Peb. 28 na ang mayor ng Davao City ay hindi nagnanais na tumakbo dahil gusto niyang alagaan ang kanyang tatlong maliliit na anak.
Noong Hunyo, sinabi ni Duterte-Carpio na “pinag-isipan niyang muli” ang kanyang naunang desisyon matapos hilingin ng kanyang mga kapartido sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) na magpasya muli sa Hulyo kung tatakbo o hindi.
Nang tanungin tungkol sa layunin ng pagbisita sa Cebu, sinabi ng mayor ng Davao City na nais niyang pag-usapan ang isyu kasama ang kanyang mga tagasuporta sa lalawigan. Noong Pebrero, ang mga tarpaulin na inilagay ng kanyang mga tagasuporta sa Cebu, na mayaman sa boto, na humihimok sa kanya na tumakbo bilang pangulo ay pinatanggal dahil sa kawalan ng permit. Sinabi niya noon na babalik siya sa lalawigan upang “i-scan” ang kapaligiran bago ang halalan sa 2022.
Ayon sa mga ulat, bumisita sa kanya sa Davao City ang ilang political figures, tulad ng natalong presidential candidate na si Gilbert Teodoro noong 2010, na nag-alok na maging kanyang vice presidential running mate sa halalan sa susunod na taon.
Gayunpaman, sinabi ni Duterte-Carpio na walang posibilidad na makasama ang kanyang ama para sa isang “Duterte-Duterte” tandem sa 2022, kung saan siya ang presidential bet. Ito ay matapos aprubahan ng mga tagasuporta ng pangulo sa naghaharing Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang isang resolusyon noong Mayo na humihimok sa kanya na tumakbo bilang bise presidente.
Bagama’t may mga magkakaibang pananaw kung ang isang nakaupong pangulo ay pinapayagan sa ilalim ng Konstitusyon na tumakbo bilang bise presidente, sinabi ni Duterte na “seryosong pinagiisipan” niya ang tungkol sa pagsali sa vice presidential race, na tinawag niyang isang “magandang ideya.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Palasyo nagbago ng linya sa pagtakbo ni Duterte sa 2022 bilang VP)
Sa iba’t ibang mga talumpati mula noong 2017, sinasabi ni Duterte na ayaw niyang tumakbo bilang pangulo ang kanyang anak, dinadagdag na “hindi ito trabaho ng babae.” Sa isang panayam noong Hunyo 8, binalikan pa niya ang payo sa anak na mag ingat sa pagtakbo dahil magdurusa lamang siya sa character assassination kapag nanalo siya bilang presidente.
Ngunit kinontra kamakailan ni Palace Spokesperson Harry Roque ang mga pampublikong pahayag ni Duterte, na sinasabing talagang hinihimok ng pangulo ang kanyang anak na babae na puntiryahin ang pinakamataas na posisyon. Sinabi ni Roque, na nagpahayag ng kanyang intensyon na tumakbong senador kung si Duterte-Carpio ay tumakbo bilang pangulo, ay nagsabi sa isang press briefing noong Hunyo 29 na hindi pinapansin ng anak ng pangulo ang kagustuhan ng kanyang ama.
(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Roque kinontra ang mga Duterte sa ‘presidential bid’ ni Sara)
Sa ngayon, hindi pa rin itinatanggi ni Duterte ang pahayag ni Roque. Samantala, sinabi ni Duterte-Carpio sa isang pahayag noong Hunyo 29 na ang kanyang mga magulang ay “palaging nagpapahayag ng kanilang opinyon sa akin na huwag tumakbo para sa isang pambansang posisyon.”
Sa runup ng 2016 presidential elections, ang 70-taong-gulang na si Duterte ay paulit-ulit na tinanggihan ang mga panawagan na tumakbo siya bilang presidente dahil sa katandaan, kakulangan ng pondo sa kampanya at pagsalungat ng kanyang pamilya, partikular na si Duterte-Carpio, bukod sa iba pang dahilan.
Ngunit nagbago ang isip ni Duterte at binawi ang kanyang kandidatura para maging mayor ulit ng Davao City, kung saan nagsilbi siya ng kabuuang 22 taon. Kalaunan, naghain siya ng kanyang certificate of candidacy para presidente noong Nobyembre 2015 sa pamamagitan ni Salvador Medialdea, na kalaunan ay naging kanyang executive secretary. Ibinigay ng PDP-Laban ang nominasyon nito kay Duterte bilang kapalit ni Martin Dino, na kasalukuyang undersecretary sa Department of Interior and Local Government.
Itinakda ng Commission on Elections para sa Okt. 1 hanggang 8 ang paghahain ng mga certificate of candidacy para sa halalan sa Mayo 2022. Ang panahon para sa pagpapalit ng aatras na kandidato, namatay o nadiskwalipika ay hanggang Nob. 15, ngunit ang mga nagpepetisyon na palitan ang isang kandidato na may parehong apelyido ay may hanggang kalagitnaan ng araw ng botohan sa 2022.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Sugbo News, LIVE from Capitol: Sara Duterte visit, July 9, 2021
Pulse Asia, Pulse Asia Research’s November 2020 Nationwide Survey on the May 2022 National Elections – Pulse Asia Research Inc., Dec. 31, 2020
ABS-CBN News, Sara Duterte to political supporters: Wait for 2034, Jan. 30, 2021
Manila Standard, Sara’s teaser: I will run in 2034, Feb. 1, 2021
CNN Philippines, Sara Duterte says she could run for president…in 2034, Jan. 31, 2021
ABS-CBN News, Sara Duterte warns individuals vs alleged solicitation of campaign funds for her | ABS-CBN News, Jan. 28, 2021
Davao City government official Facebook page URGENT PUBLIC ADVISORY , July 7, 2021
Davao City government website, Mayor’s Gallery, Accessed July 14, 2021
Davao City Disaster Radio official Facebook page, Special Hour with Mayor Sara Duterte, Feb. 22, 2021
Presidential Communications Operations Office, Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte following the arrival ceremony for COVID-19 vaccines, Feb. 28, 2021
Philstar.com, Sara pinag-iisipan ang pagtakbong Pangulo sa 2022 | Pilipino Star Ngayon, June 17, 2021
ABS-CBN News, Sara Duterte rules out running with father in Halalan 2022 | ANC, June 16, 2021
CNN Philippines, Sara Duterte now ‘open’ to run for president in 2022, July 9, 2021
Inquirer.net, Sara Duterte now open to run for president in 2022 polls, July 9, 2021
The Freeman, Sara now ‘open’ to run for president, July 10, 2021
Rappler.com. Cebu City taking down illegal ‘Run Sara Run’ streamers, Feb. 23, 2021
CNN Philippines, Cebu City orders removal of illegal ‘Run, Sara, Run’ tarps, Feb. 23, 2021
Manila Bulletin, “Run Sara Run’ tarps invade Cebu City; City architect says streamers have no permits, Feb. 23, 2021
ANC 24/7, Gibo Teodoro pushes for a Sara Duterte presidential bid, willing to be her running mate | ANC, June 7, 2021
CNN Philippines, PDP-Laban adopts resolution urging President Duterte to run for VP in 2022, May 31, 2021
Inquirer.net, PDP-Laban adopts reso to ‘convince’ Duterte to run for VP in 2022 polls, May 15, 2021
GMA News Online, PDP-Laban national council adopts reso urging Duterte to run for vice president in Eleksyon 2022, May 31, 2021
Inquirer.net, No to backdoor presidency: Monsod willing to file complaint vs Duterte’s VP run, July 8, 2021
Rappler.com, ‘VP Duterte’ push an insidious move to circumvent Constitution – Monsod, June 7, 2021
ABS-CBN News, Duterte VP push ‘insidious move’ to circumvent Constitution, says Monsod, June 24, 2021
RTVMalacanang, Ceremonial Re-enactment of the Signing of Bills (Speech) 6/16/2021, July 12, 2021
Presidential Communications Operations Office, PDP-Laban members clamor for continuity, ask President Duterte to consider VP run – Presidential Communications Operations Office, July 7, 2021
RTVMalacanang, Inauguration of the Metro Manila Skyway Stage 3 Project (Speech) 1/14/2021, Jan. 14, 2021
SMNI News, SMNI EXCLUSIVE: Pastor Apollo’s one-on-one exclusive interview with President Rodrigo Duterte, June 8, 2021
Inquirer.net, Roque: I will only run in 2022 if Sara Duterte will run for president, June 9, 2021
Manila Bulletin, Roque will run in 2022 polls only if Sara seeks presidency, June 9, 2021
Philippine News Agency, Roque supports ‘Run, Sara, Run’ movement, June 10, 2021
People’s Television (PTV), WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | June 29, 2021, June 29, 2021 transcript)
ABS-CBN News, ‘Everything will destroy me’: Sara Duterte says parents don’t want her to run for president, June 29, 2021
Daily Tribune, Sara contradicts Roque: ‘PRRD never told me to run’, June 29, 2021
GMA News Online, Duterte must be telling Roque another thing, says daughter Sara June 29, 2021
Rappler.com, Duterte: ‘I am not running for president’, Sept. 2, 2015
Rappler.com, Rodrigo Duterte: Sorry, I will not run for president, Oct. 12, 2015
ABS-CBN News, Duterte says sorry, won’t run for president, Oct. 12, 2015
CNN Philippines, Duterte won’t run for president: ‘The country does not need me’, Oct. 12, 2015
Inquirer.net, Duterte closes door on presidential run, June 25, 2015
Inquirer.net, Duterte makes presidential bid official, files COC, Nov. 27, 2015
ABS-CBN News, It’s official: Duterte files COC for president, Nov. 27, 2015
GMA News Online, Duterte files COC for president | GMA News Online, Nov. 27, 2015
Commission on Elections, Resolution No. 10695, Feb. 10, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)