Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Palasyo nagbago ng linya sa pagtakbo ni Duterte sa 2022 bilang VP

Mula sa pagsabing malamang na hindi tumakbo para sa ibang posisyon sa darating na eleksyon si Pangulong Rodrigo Duterte, iba na ngayon ang pahayag ng Malacañang — “ipinauubaya na ng pangulo sa Diyos" ang desisyon sa kanyang muling pagkandidato, para naman sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

By VERA Files

May 31, 2021

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagsabing malamang na hindi tumakbo para sa ibang posisyon sa darating na eleksyon si Pangulong Rodrigo Duterte, iba na ngayon ang pahayag ng Malacañang — “ipinauubaya na ng pangulo sa Diyos” ang desisyon sa kanyang muling pagkandidato, para naman sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

PAHAYAG

Sa isang press briefing noong Mayo 27, tinanong si Palace Spokesperson Harry Roque kung “seryosong isinasaalang-alang ni Duterte ang pagtakbo para maging vice president.” Ito ay dalawang araw matapos sabihin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa isang panayam sa media na ang 76-taong-gulang na si Duterte ay “magiging bukas” kung mayroong isang “malakas” na public clamor para rito.

Ang sagot ni Roque:

I think I will quote the President, he leaves it to God (Sa palagay ko babanggitin ko ang sinabi ng Pangulo, bahala na ang Diyos).”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Mayo 27, 2021, panoorin mula 16:09 hanggang 16:23 (archived)

Sa kasunod na briefing noong Mayo 31, sinabi ni Roque na ang tanging bagay na maaaring magpatakbo kay Duterte bilang bise presidente ay isang “mensahe mula sa Diyos” at na gagawa ito (Duterte) ng “ng kaukulang anunsyo sa takdang panahon” kung “sa palagay niya ito ang kagustuhan ng Diyos.”

FLIP-FLOP

Ito ay iba sa naunang pahayag ni Roque noong Nobyembre 2020, nang isinantabi niya ang ideya na interesado si Duterte na tumakbo muli para sa anumang posisyon sa 2022.

Sa kanyang briefing noong Nob. 23, 2020, nagkomento ang tagapagsalita tungkol sa naunang mungkahi ni Panelo na tumakbo si Duterte bilang bise presidente sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sinabi ni Roque:

“Ang pagkakaalam ko po eh atat na atat na si presidenteng matapos ang kanyang termino’t gusto na niyang umuwi dito sa Davao ‘no. So (Kaya) iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, iyan po ay kaniyang personal na opinyon.”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Nob. 23, 2020, panoorin mula 8:29 hanggang 9:10 (archived)

Gayunpaman, noong Marso ngayong taon, hindi na sigurado si Roque. Matapos na pumirma sa isang resolusyon ang ilang kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), na pinamumunuan ni Duterte, na humihimok sa kanyang tumakbo para sa posisyon, sinabi ng Palace spokesperson sa halong Ingles at Filipino:

“Wala akong impormasyon tungkol diyan. Kokunsultahin ko ang presidente tungkol sa posibilidad na ito, bagama’t narinig ko ang pangulo na sinabi sa isang punto na, siyempre, naging presidente na siya. Bakit siya magba-vice president? Pero hindi ko alam kung may pagbabago.”

Pinagmulan: Presidential Communication Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Marso 11, 2021, panoorin mula 39:27 hanggang 39:57 (archived)

Ngunit sa briefing noong Mayo 27, binanggit ng isang reporter ang maliwanag na pagbabagong ito at tinanong kung nagbago talaga ang isip ni Duterte. Sinabi ni Roque:

No. I think you have to accept his answer for what it is. He leaves it to God (Hindi. Sa palagay ko dapat mong tanggapin ang kanyang sagot sa kung paano niya sinabi ito. Iniwan niya ito [ang desisyon] sa Diyos).”

Bago pa man ang mga pagbabago sa pahayag ni Roque, sinabi mismo ni Duterte noong Nobyembre 2019 na “hindi na siya tatakbo” o susuporta ng kandidato sa darating na botohan.

Sa isang eksklusibong panayam sa CNN Philippines, tinanong si Duterte kung bakit niya pinatalsik sa Gabinete si Vice President Leni Robredo, ang pinuno ng oposisyon, wala pang tatlong linggo matapos na italaga bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Panelo negates Duterte, now says Robredo had ‘access to everything’ in ICAD; VERA FILES FACT CHECK: Robredo kinontra ang LP spox; tinanggap ang alok na pangunahan ang kumpara laban sa droga)

Sa kanyang pagtugon, sinabi ng pangulo:

[To the] Filipino people [who] are listening to me ([Sa mga] Filipino na nakikinig sa akin): Hindi na po ako pulitiko, hindi na po ako tumakbo, wala akong kandidato. Sinasabi ko lang sa inyo, disgrasya kayo ‘pag si Leni ang [maging presidente]…”

Pinagmulan: CNN Philippines, EXCLUSIVE: One-on-one with President Rodrigo Duterte, Nob. 29, 2019, panoorin mula 23:40 hanggang 23:52 (archived)

Ang isyu ng pagkandidato ni Duterte bilang bise presidente ay naging mitsa ng pagtatalo sa loob ng PDP-Laban, na tinanggihan ng pangulo ng partido, si Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao, ang resolusyon, na sinabi niya na “walang pahintulot.” Sa isang press briefing noong Marso 12, hinarap ni Pacquiao ang isyu at partikular na binalaan si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng PDP-Laban, na huwag “hatiin ang partido para sa sariling interes [ng huli].”

Kamakailan lamang, sa isang memorandum na may petsang Mayo 25, “mariing sinabihan” ni Pacquiao ang mga miyembro ng partido na “huwag pansinin” ang panawagan ni Cusi para sa isang national assembly na itinakda sa Mayo 31 dahil ito ay “hindi pinahihintulutan.” Paalala pa niya sa mga miyembro ng partido na ang anumang panawagan para sa isang assembly “ay dapat na aprubahan ng parehong chairman at pangulo lamang.”

Pagkatapos ay naglabas si Cusi ng isang pahayag noong Mayo 28, na inulit na ang assembly ay “bahagi ng demokratikong proseso na dapat yakapin ng bawat pangunahing partidong pampulitika.”

Noong Mayo 30, kinumpirma ni Roque na mismong si Duterte ang nag-utos kay Cusi na “mag organisa, magtipon-tipon at pamunuan ang pagpupulong ng konseho.”

Samantala, ilang mga analyst at pulitiko, kabilang si House minority at Albay Rep. Edcel Lagman, ang nagbabala laban sa potensyal na pagtakbo ni Duterte sa pagka-bise presidente, na sinabing maaaring itong isang paraan upang maiwasan ang pagbabawal sa muling paghalal sa isang nanunungkulang pangulo sa ilalim ng 1987 Constitution.


Mga Pinagmulan

One News PH YouTube, President Duterte not closing doors for 2022 VP bid, says chief legal counsel, May 26, 2021

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, May 27, 2021 (transcript, archived)

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, May 31, 2021

RTVMalacanang YouTube, Counterpoint with Secretary Salvador Panelo, Nov. 20, 2020

RTVMalacanang YouTube, Counterpoint with Secretary Salvador Panelo, Sept. 21, 2020

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Nov. 23, 2020 (archived)

Presidential Communications Operations Office official Facebook, Spox Roque Press Briefing, Nov. 23, 2020

Philstar.com, Duterte’s partymates want him to run for VP in 2022, March 11, 2021

CNN Philippines, PDP-Laban wants President Dutete to run for VP in 2022, March 11, 2021

Inquirer.net, PDP-Laban members urge Duterte to run for VP in 2022 – lawmaker, March 11, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, March 11, 2021 (archived)

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, March 11, 2021

CNN Philippines, EXCLUSIVE: One-on-one with President Rodrigo Duterte, Nov. 29, 2019 (archived)

Rappler, Duterte for VP? Pacquiao warns PDP-Laban members over ‘unauthorized’ reso, March 12, 2021

Inquirer.net, Pacquiao: PDP-Laban reso on Duterte’s 2022 VP bid unauthorized, March 12, 2020

Business World, Party statement on Duterte for VP unauthorized — Pacquiao, March 12, 2020

ABS-CBN News, Pacquiao nagpatutsada sa kapartido: Unahin ang pandemya bago politika | TV Patrol, March 12, 2021

Rappler, PDP-Laban rift: Pacquiao tells members to ‘ignore’ Cusi’s call for national assembly, May 27, 2021

Inquirer.net, Ignore Cusi’s call for nat’l assembly, Pacquiao urges PDP-Laban members, May 27, 2021

ABS-CBN News, Pacquiao orders PDP-Laban members to ignore Cusi’s call for party assembly, May 27, 2021

Energy Sec. Alfonso Cusi official Facebook account, STATEMENT OF PDP-LABAN VICE CHAIRMAN ALFONSO G. CUSI, May 28, 2021

Office of the Presidential Spokesperson, Statement: On PDP-Laban, May 30, 2021 (archived)

1st District of Albay Rep. Edcel Lagman official website, Press Statement: LAGMAN: “DUTERTE-DUTERTE” CIRCUMVENTS CONSTITUTION, INSTALLS FAMILIAL HEGEMONY, Jan. 28, 2021

ANC 24/7, Duterte urged by party mates to run for vice president in 2022, March 12, 2021

Official Gazette of the Philippines, The Constitution of the Republic of the Philippines: Article VII, Sec. 4


(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.