Skip to content
post thumbnail

Pagboto by iskedyul

Isa sa pinakahihintay ng lahat ng Pilipino ang araw ng eleksyon. Mayaman o mahirap, nakapag-aral o hindi, basta nasa hustong gulang, puwede bumoto. Pantay pantay ang lahat — tig-isang boto ang bawat isa.

By Booma Cruz

May 24, 2021

-minute read

Share This Article

:

Isa sa pinakahihintay ng lahat ng Pilipino ang araw ng eleksyon. Mayaman o mahirap, nakapag-aral o hindi, basta nasa hustong gulang, puwede bumoto. Pantay pantay ang lahat — tig-isang boto ang bawat isa.

Pero paano kaya ang magiging takbo ng botohan sa panahon ng pandemya?

Kung ang Commission on Elections (Comelec) lang ang masusunod, wala na ang mahabang pila. Wala na rin ang umpukan sa harap ng mga bulletin board o pinto ng bawat presinto para hanapin ang pangalan sa nakapaskel na listahan ng mga botante.

By iskedyul ang kakaibang pamamaraan ng pagboto na nakikita ng Comelec.

“Dati po kasi, punta ka lang sa polling place kahit kailan mo gusto. That might change. Election day — we might find ourselves in a situation where you’re told to come in so and so hours, so and so time because we need to control the influx of people into the polling places,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang media briefing tungkol sa 2022 national elections ng VERA Files.

Nang tanungin ano ang mangyayari sa mga botanteng hindi makakarating sa tamang iskedyul, idiniin ni Jimenez na hindi pa raw final ang planong ito ng Comelec.

If you miss your schedule, [it] doesn’t mean you’re disqualified from voting. Marami pa pong kailangang pag-usapan tungkol diyan and we are in the very middle of that conversation,” dagdag ng Comelec spokesperson.

Ang tinitiyak ni Jimenez ay magsasara ang mga voting precinct ng alas singko ng hapon sa araw ng halalan.

May tinatayang 62 milyong rehistradong botante sa May 9, 2022 national elections. Inaasahan ng Comelec na ang mga boboto sa darating na halalan ay halos pareho o higit pa sa 75.90% voter turnout noong 2019 elections. Mas interesado raw kasi ang mga tao kapag upuan sa Malacañang ang pinagtatalunan.

Magdadagdag ang Comelec ng humigit-kumulang 26,000 voting precincts sa 84,000 noong nakaraang eleksyon. Ang bilang ng botante bawat presinto ay babawasan, mula 1,000 noong 2019 elections magiging 800 na lang sa May 2022.

Screenshot mula sa presentasyon ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang media briefing tungkol sa 2022 national elections ng VERA Files nung May 20, 2021.

Screenshot mula sa presentasyon ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang media briefing tungkol sa 2022 national elections ng VERA Files nung May 20, 2021.

Maliban sa ipinatutupad ngayon na national vaccination program ng gobyerno kung saan by iskedyul ang pagbabakuna, walang malinaw na modelo sa Pilipinas para sa isang malawakang aktibidad katulad ng pambansang halalan.

Sa national vaccination program, may priority list ang gobyerno kung sino ang mga dapat mauna. Tine-text ang mga puwede nang mabakunahan. Sa maraming lugar at pagkakataon, naging magulo ang sistema.

Paano kaya maisasakatuparan ang by iskedyul na botohan na kailangan matapos sa loob lamang ng ilang oras sa Mayo 9, 2022?

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.