VERA FILES FACT CHECK: Joint statement ni BSP governor Medalla kasama ang mga economic managers na sumusuporta sa Maharlika Investment Fund bill nangangailangan ng konteksto
Kabilang sa mga unang nagpahayag ng mga reserbasyon sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) bill, si Bangko Sentral Governor Felipe Medalla ay sumama sa iba pang economic managers sa pagsulong ng batas nito, na nagsasabing ito ay isang "sinubukan at nasubok" na investment vehicle for growth. Ito ay nangangailangan ng konteksto.