Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Joint statement ni BSP governor Medalla kasama ang mga economic managers na sumusuporta sa Maharlika Investment Fund bill nangangailangan ng konteksto

WHAT WAS CLAIMED

Nakiisa si Bangko Sentral Governor Felipe Medalla sa iba pang economic managers sa pagsulong ng panukalang batas na lumilikha ng Maharlika Investment Fund. Ang joint statement ay inilabas matapos na baguhin ng mga tagapagtaguyod ng panukalang batas sa House of Representatives ang mga pinagtatalunang probisyon kung kasama sa mga binanggit na alalahanin ni Medalla, tulad ng mga pagkukunan ng pondo, chairmanship at ang bilang ng mga independiyenteng miyembro ng board.

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Bagama’t hindi tahasang tinutulan ni Medalla ang paglikha ng MIF, nauna siyang nagpahayag ng mga reserbasyon sa MIF, na binanggit ang isyu ng pamamahala at ang potensyal na epekto ng pondo sa mga reserbang dolyar ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

By VERA Files

Dec 12, 2022

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kabilang sa mga  unang nagpahayag ng mga reserbasyon sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) bill, si Bangko Sentral Governor Felipe Medalla ay sumama sa iba pang economic managers sa pagsulong ng batas nito, na nagsasabing ito ay isang “sinubukan at nasubok” na investment vehicle for growth. Ito ay nangangailangan ng konteksto.

Ang economic managers sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno ay naglabas ng joint statement noong Biyernes, Dis. 9, matapos baguhin ng House committee on appropriations ang mga pinagtatalunang probisyon kasunod ng pagsalungat ng publiko sa panukalang paggamit ng pension funds mula sa Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS) para pondohan ang MIF.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Maharlika Investment Fund ipinaliwanag)

PAHAYAG

Bukod kina Diokno at Medalla, nilagdaan din nina Budget Secretary Amenah Pangandaman at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang joint statement na nag-eendorso sa pagsasabatas ng MIF bill. Sinabi nito:

“We, the Economic Managers of the Marcos Jr. Administration, strongly support the creation of the Maharlika Wealth Fund as a vehicle to move forward the Agenda for Prosperity and achieve the economic goals of the administration.

(“Kami, ang mga Economic Manager ng Marcos Jr. Administration, ay lubos na sumusuporta sa paglikha ng Maharlika Wealth Fund bilang isang behikulo upang isulong ang Agenda for Prosperity at makamit ang mga layuning pang-ekonomiya ng administrasyon.)

 

The establishment of a Sovereign Wealth Fund is a tried and tested investment vehicle that has been used by governments in both first world and developing countries to achieve their economic objectives.”

(“Ang pagtatatag ng isang Sovereign Wealth Fund ay isang sinubukan at subok na investment vehicle na ginamit ng mga gobyerno sa first world at developing na mga bansa upang makamit ang kanilang mga layunin sa ekonomiya.”)

 

Pinagmulan: Opisyal na website ng Department of Budget and Management, Statement of Economic Managers on the Creation of the Maharlika Wealth Fund, Dis. 9, 2022

Binanggit ng mga economic manager ang Investment Authority ng Indonesia at ang GIC ng Singapore at state investor na Temasek bilang “matagumpay na modelo” ng isang sovereign wealth fund na nag-ambag sa kani-kanilang pambansang budget. Sabi nila:

We have confidence that with professionals managing the funds, there will be efficient use and management of these investible public funds. They will be able to ensure the availability of an alternative high return investment platform, obtain the best absolute return for the funds, find additional sources of liquidity as the need arises, and perform better risk management, given additional layers of checks and balances in the use of investible funds.”

(“Kami ay may kumpiyansa na sa mga propesyonal na mamamahala sa mga pondo, magkakaroon ng mahusay na paggamit at pamamahala ng mga investible na pampublikong pondong ito. Magagawa nilang tiyakin ang pagkakaroon ng isang alternatibong platform ng pamumuhunan na may mataas na kita, makuha ng pinakamahusay na absolute na kikitain mula sa mga pondo, makahanap ng mga karagdagang mapagkukunan ng liquidity kapag kinakailangan, at magsagawa ng mas mahusay na risk management, na may karagdagang mga layer ng checks and balances sa paggamit ng investible funds.”)

ANG KATOTOHANAN

Bagama’t hindi tahasang tinutulan ni Medalla ang paglikha ng MIF, inilabas niya ang mga alalahanin sa ilan sa mga probisyon nito.

Sa panayam sa Bloomberg TV noong Dis. 2, nagpahayag si Medalla ng mga reserbasyon sa MIF, na binanggit ang isyu ng pamamahala at ang potensyal na epekto ng pondo sa mga reserbang dolyar ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Noong Lunes, Dis. 12, inilabas ang House committees on banks and financial intermediaries, appropriations, at ways and means ang House Bill No. 6608 bilang kapalit ng HB 6398 na inihain ni Speaker Martin Romualdez at limang iba pang pinuno ng Kamara noong Nob. 28. Isinama sa kapalit na panukalang batas ang mga pagbabago sa mga pinagtatalunang probisyon na kabilang sa mga alalahanin ni Medalla tulad ng pagmumulan ng pondo, chairmanship at ang bilang ng mga independiyenteng miyembro ng board.

Sa isyu ng pamamahala, sinabi niya: “Para sa akin, ang karanasan ng 1MDB Malaysia ang pinakamalaking panganib, tama ba? Kahit okay na yung mga kasalukuyang tao, magiging okay din ba yung mga tao, limang taon mula ngayon?”

Noong 2009, ang noo’y prime minister na si Najib Razak ng Malaysia ay nagtatag ng 1MDB upang isulong ang pag-unlad ng ekonomiya. Nang maglaon, ito ay naging isang multi-bilyong dolyar na iskandalo na kinasasangkutan ng ilang institusyong pampinansyal at matataas na opisyal sa buong mundo.

Si Razak, na namuno sa advisory board ng 1MDB, ay nahatulan sa salang katiwalian, paglabag sa tiwala, at money laundering dahil sa pagdeposito ng $9.8 milyon mula sa dating unit ng pondo sa kanyang personal na bank account. Siya ay humaharap sa paglilitis sa hindi bababa sa apat na iba pang mga kaso.

On the isyu ng independence ng BSP, sabi ni Medalla: “Sasabihin nilang kukunin ang dolyar ng central bank tapos ano ang gagamitin natin ngayon kung mababawasan ang reserves dahil dinala na sa sovereign wealth fund?”

Nagbabala siya na ang bansa ay maaaring magkaroon ng “mas kaunting bala” kapag nahaharap sa isa pang “international volatility na may kaugnayan sa piso at dolyar.”

Ngunit nang tanungin kung ang BSP ay handang mag-invest ng ilan sa mga foreign reserve nito sa pondo, sinabi ng gobernador: “Maliban na lang kung mapipilitan tayo, hindi dapat. Ngunit ako ay isang taong masunurin sa batas. Kung sinabi ng batas na gagawin namin, gagawin namin.”

BACKSTORY

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, vice chairperson ng House committee on appropriations, na ang seed money para sa MIF ay hindi na kukunin mula sa state-run pension funds kundi mula sa state-run banks, kabilang ang mga kita mula sa BSP. Sa “refined” na bersyon ng panukalang batas, ang finance secretary ang mamumuno sa board of governors, sa halip na ang pangulo, at sasamahan ng apat na independiyenteng direktor sa halip na dalawa lamang gaya ng unang iminungkahi.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

House of Representatives, House Bill No. 6398

Department of Budget and Management, Statement of Economic Managers on the Creation of the Maharlika Wealth Fund, Dec. 9, 2022

Yahoo! Finance, BSP Board Split Between 25, 50 BPS for December: Medalla, Dec. 2, 2022

News5 Frontline Pilipinas, BSP Governor Medalla, may alinlangan sa Maharlika Investment Fund Bill, Dec. 5, 2022

House of Representatives, Committee Report No. 237, Dec. 12, 2022

On the 1MDB scandal

On refinements to HB 6398

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.