VERA FILES FACT CHECK: Roque mali sa pagsabing ang pera, iba pang regalo kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ay hindi exempted sa donor’s tax
Ang mga cash prize at iba pang insentibo na ibinigay ng mga business executive at pribadong kumpanya kay Hidilyn Diaz, ang unang Olympic gold medalist ng Pilipinas, ay kailangan bayaran ng donor’s tax, ayon kay Palace Spokesman Harry Roque. Ito ay hindi totoo.