VERA FILES FACT SHEET: Limang bagay sa ICC report tungkol sa mga victim representation
Ang mga pamilya ng mga napatay sa mga anti-drug operasyon sa ilalim ng giyera laban sa droga ng administrasyong Duterte ay muling nagkaroon ng pag-asa na may hustisya kasunod ng paglabas ng isang ulat na nakatuon sa tulong para sa kanila mula sa Victims Participation and Reparations Section (VPRS), isang independent na tanggapan ng International Criminal Court (ICC).