VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Locsin tungkol sa US entry ban sa mga nag akusa kay De Lima kailangan ng konteksto
Kailangan ilagay sa tamang konteksto ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na wala sa U.S. 2020 budget law ang probisyon na nagbabawal makapasok sa Estados Unidos ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa "maling" pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima. Samantala, kinumpirma ng Malacañang na mayroong ban.






