VERA FILES FACT CHECK: Paratang ni Quiboloy na ‘hindi pinakikialaman’ ng Commission on Human Rights ang mga paglabag sa karapatang pantao ng New People’s Army hindi totoo
Iniimbestigahan ng CHR ang mga pagpatay na ginawa umano ng New People’s Army (NPA). Naglunsad ito ng hindi bababa sa dalawang imbestigasyon noong Abril ngayong taon, at dalawa pa noong 2022; ang isa noong Hunyo at ang isa noong Oktubre.