VERA FILES FACT SHEET: Ang ‘bagong’ coronavirus strain, ipinaliwanag
Habang ang Pilipinas ay patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), bumandera kamakailan ang balita tungkol sa isang bagong viral mutation na sinasabing “nangingibabaw sa buong mundo" at "mas nakakahawa" kaysa sa orihinal (na virus).