Habang ang Pilipinas ay patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), bumandera kamakailan ang balita tungkol sa isang bagong viral mutation na sinasabing “nangingibabaw sa buong mundo” at “mas nakakahawa” kaysa sa orihinal (na virus).
Ang “bagong” mutation, na nakita sa ilang mga sample ng virus sa bansa, ay kilala bilang G614 strain.
Ano ang ibig sabihin ng virus mutation na ito para sa tugon ng bansa sa pandemic? Mayroon bang dahilan para ma-alarma?
Narito ang limang bagay na kailangan mong malaman.
1. Ano ba ang viral mutations?
Ang mga mutation ay isang “likas na bahagi” ng siklo ng buhay ng isang virus. Kaugnay ito ng permanenteng pagbabago sa genetic sequence na maaaring magresulta mula sa mga pagkakamali habang nangyayari ang replication ng genetic material (DNA o RNA), o sa pamamagitan ng pagkakalantad sa mga high-energy sources, tulad ng radiation.
Ang mga virus ay “patuloy na nagbabago habang nagpaparami upang mapanatili ang pagkalat sa mas maraming mga cell,” ayon sa isang pandaigdigang pangkat ng mga eksperto sa public health at mga mananaliksik na bin ng international nonprofit Meedan.
Ang mga pagbabagong ito (o mga mutation) ay lumilikha ng isang “bago, na-update na bersyon ng virus,” na tinatawag na isang “strain,” na maaari o hindi maaaring making “functionally distinguishable” — tulad ng sa paraan ng paglipat nito mula sa isang tao patungo sa iba pa, kung paano ito humahantong sa karamdaman, o kung paano ito umeepekto sa panggagamot — mula sa ibang mga form ng virus. (Tingnan ang mga Mutations and misunderstandings: Are we now dealing with a supercharged COVID-19?)
Samakatuwid, ang pagsubaybay at pag-aaral sa mga mutation ng isang virus — tulad ng SARS-CoV-2, na sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) — ay mahalaga sa konteksto ng vaccine design, diagnosis, at pagpapatupad ng containment measures, ayon sa Philippine Genome Center (PGC).
2. Ano ang G614 strain?
Sa kaso ng novel coronavirus, ang pagbabago ay naganap sa ika-614 amino acid ng protein sequence ng virus, ayon sa Los Alamos National Laboratory, isang multidisciplinary research laboratory sa United States.
Ang orihinal na strain mula sa Wuhan, China, ay may aspartic acid (D) sa kanyang ika-614 amino acid, ngunit ang bagong strain ay may glycine (G). Samakatuwid, ang mutation ay pinangalanang D614G, o simpleng G614 strain.
Ang pagbabago sa strain ng G614 ay matatagpuan sa spike region ng virus, o ang mga spiky na bahagi na dumidikit sa mga cell na nais nitong mahawa, ayon sa grupo ng mga eksperto ng Meedan.
Isang pag-aaral na inilathala sa scientific journal na Cell noong Hulyo ay natagpuan na ang G614 strain ay may mas maraming mga spike protein, na, ayon sa Meedan, ay nangangahulugang:
“…the virus is less likely to break off when it is trying to invade the human body, making it more likely to infect the exposed individual (ang virus ay mas malamang na hindi humiwalay kapag sinusubukan nitong salakayin ang katawan ng tao, na mas malamang na mahawahan ang nalantad na indibidwal).”
Pinagmulan: Meedan COVID-19 Expert Database, “What do we know about the new strain of this virus…,” Huling binago noong Agosto 26, 2020
Ang pag-aaral, na pinangunahan ng American biologist na si Bette Krober, ay batay sa mga natuklasan sa in vitro data, mga eksperimento na ginawa sa labas ng isang buhay na organismo, kadalasan sa isang artipisyal na setting tulad ng isang test tube o petri dish.
Isinagawa ito sa mga cell ng bato mula sa mga unggoy ng Vervet na nakuha noong 1960, at mula sa mga cell ng tao na kinuha noong 1973 na genetically altered upang mas mahawahan ng anumang virus na nagdadala ng G614 strain, ayon sa isang ulat ng National Geographic noong buwan ding iyon.
Sa artikulo, sinabi ni Krober na “hindi alam [ng mga mananaliksik]” kung paano ang mga resulta ng pag-aaral ay maisasalin sa transmissibility sa mga tao ngunit ito ay “kasalukuyang sinisiyasat sa maraming mga laboratoryo.”
3. Mas nakakahawa ba ito?
Inulit ng Department of Health (DOH) ang pahayag ng PGC na “wala pa rin tiyak na katibayan” na nagpapahiwatig na ang G614 strain ay, sa katunayan, mas nakakahawa.
Sa isang panayam noong Agosto 18 sa One News PH, sinabi ni PGC Executive Director Cynthia Palmes-Saloma na “hindi kailangang maalarma” sapagkat:
-
- ang lugar ng mutation ay naganap sa bahagi ng hinge ng spike region. Samakatuwid, “wala itong maraming implikasyon” sa mga disenyo ng bakuna para sa COVID-19; at
- ang mutation mismo ay “hindi bago.” Natuklasan ito sa Europe at United States bandang Marso, ngunit nakita sa Pilipinas noong Hulyo lamang.
Ang PGC, sa Agosto 13 na bulletin nito, ay nagsabi na ang mutation ay “hindi mukhang makakaapekto ng malaki sa mga clinical outcome.”
4. Ang G614 strain ba ay namamayani sa buong mundo? Ito rin ba ang pinakalaganap na strain sa Pilipinas?
Ipinakita ng maraming pag-aaral na ang G614 strain ay, sa katunayan, “ang nangingibabaw na strain sa sirkulasyon sa buong mundo.” Gayunpaman, iminungkahi ng ilang siyentipiko na ito ay maaaring dahil sa footprint ng pandemic, at hindi dahil ang strain ay mas nakakahawa.
Noong Pebrero, ang konsentrasyon ng mga kaso ng COVID-19 ay lumipat mula sa China patungong Europe, binanggit sa isang pagsasaliksik ni Nathan Grubaugh, isang propesor ng epidemiology sa Yale School of Public Health, at ang kanyang mga kasamahan, na inilathala din sa Cell noong Hulyo.
Sinabi nito: “Sa paglipas ng panahon na ang G614 ay naging globally majority variant, ang bilang ng mga introduction mula sa China kung saan nangingibabaw pa rin ang D614 ay bumababa, samantalang ang sa Europe ay umakyat,” na idinagdag na “ito lamang ay maaaring ipaliwanag ang maliwanag na tagumpay ng G614.”
Sa Pilipinas, sinabi ng PGC sa ulat nitong Agosto 13 na, kahit na nakita nila ang strain sa lahat ng siyam na sapalarang piniling mga sample mula sa Quezon City, hindi ito kumakatawan sa mutational landscape ng bansa.
Sinabi ng DOH na patuloy nitong sinusubaybayan ang mga mutation, sa pamamagitan ng mga pag-aaral sa genome sequencing na ginawa ng PGC at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), upang i-calibrate at pagbutihin ang kasalukuyang containment, diagnostic, at therapeutic strategies ng bansa.
Maaari itong “magbigay ng kinakailangang data upang matukoy ang mga pattern ng sirkulasyon ng virus sa bansa” at maaaring “umakma sa contact tracing at kilalanin ang mga kaso na kabilang sa parehong mga transmission cluster at masundan ang pinanggagalingan ng impeksyon,” sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa VERA Files sa isang panayam sa email.
Nasundan ng sa pinakahuling pag-aaral ng PCG ang tatlong posibleng pinanggalingan ng impeksyon sa bansa:
-
- mga dayuhang bisita mula sa China noong unang bahagi ng Enero;
- pinabalik na mga marino mula sa M / V Diamond Princess coronavirus outbreak noong Pebrero; at
- Ang European sources, posibleng mula sa ipinauwing mga turista at mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa na bumalik mula Europe at Middle East noong Mayo.
Sa panayam sa Manila Bulletin noong Agosto 25, sinabi ni Saloma na pag-aaralan ng PGC ang 900 pang mga sample na kinuha mula Marso hanggang Oktubre sa buong Pilipinas. Nais ng center na kumpletuhin ang pagsasaliksik sa Oktubre.
5. Ano ang pinakamahusay na magagawa ngayon na alam na natin ang strain?
Anuman ang pagkakaiba-iba ng virus, inulit ni Vergeire na “ang preventive measures para maprotektahan ang publiko laban sa COVID-19 ay pareho.”
Dapat magpatuloy ang publiko na magsuot ng mga face mask at mga face shield, maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, panatilihin ang six feet physical distancing, at patly na pag-access sa tumpak na impormasyon upang mabawasan ang pagkalat ng virus.
Bukod sa malawak na pagsasaliksik at pinalakas na contact tracing, sinabi ng DOH na mayroon ding pangangailangan na “palakasin ang surveillance at control measures” sa mga border ng bansa. Maaari nitong limitahan ang pagkalat ng virus at ang pagpasok ng mga “potensyal na mas malupit at / o nakahahawang” mga variant sa populasyon.
Mga Pinagmulan
World Health Organization, Statement on the second meeting of the International Health Regulations (2005) Emergency Committee regarding the outbreak of novel coronavirus (2019-nCoV), Jan. 30, 2020
Philstar.com, New coronavirus mutation found in the Philippines, Aug. 17, 2020
GMA News Online, More infectious, dominant novel coronavirus strain detected in Philippines, Aug. 16, 2020
Nature, We shouldn’t worry when a virus mutates during disease outbreaks, Feb. 18, 2020
Nature, Genetic Mutation, Accessed Sept. 3, 2020
Khan Academy, Evolution of viruses, Accessed Sept. 3, 2020
Nature Scitable, Mutations Are the Raw Materials of Evolution, Accessed Sept. 1, 2020
Learn About COVID-19, What do we know about the new strain of this virus that is more infectious than the first strains?, Aug. 26, 2020
Learn About COVID-19, About, Accessed Aug. 26, 2020
UK Research and Innovation, Are there different strains of the SARS-CoV-2 virus circulating?, June 10, 2020
VERA Files, Mutations and misunderstandings: Are we now dealing with a supercharged COVID-19?, May 21, 2020.
Philippine Genome Center, Bulletin No. 1, Aug. 13, 2020
Los Alamos National Laboratory, Tracking SARS-CoV-2 Spike mutations, Accessed Sept. 1, 2020
Cell, Tracking Changes in SARS-CoV-2 Spike: Evidence that D614G Increases Infectivity of the COVID-19 Virus, July 2, 2020
The Marshall Protocol Knowledge Base, Differences between in vitro, in vivo, and in silico studies, Sept. 1, 2019
National Geographic, Why This Coronavirus Mutation Is Not Cause For Alarm, July 15, 2020
Department of Health, PGC, RITM Confirm G614 Variant Presence in the Country, Aug. 18, 2020
Philippine Genome Center, Bulletin No. 1, Aug. 13, 2020
One News PH, Mutated coronavirus strain found in PH “not new” —PGC, Aug. 17, 2020
ScienceDirect, A genetic barcode of SARS-CoV-2 for monitoring global distribution of different clades during the COVID-19 pandemic, Aug. 22, 2020
bioRxiv, D614G mutation of SARS-CoV-2 spike protein enhances viral infectivity, July 6, 2020
Cell, Making Sense of Mutation, July 2, 2020
Philippine Genome Center, Bulletin No. 2, Aug. 26, 2020
medRxiv, Analysis of SARS-COV-2 Genome Sequences from the Philippines: Genetics Surveillance and Transmission Dynamics, Aug. 25, 2020
Inquirer.net, DFA: 49 Filipinos aboard Diamond Princess test positive for COVID-1, Feb. 22, 2020
CNN Philippines, 442 Filipino evacuees from Diamond Princess cruise ship sent home, March 12, 2020
Manila Bulletin, Filipinos on cruise ship returning on Feb. 25, Feb. 23, 2020
Manila Bulletin, Filipino scientists to expand study on coronavirus strain mutation, Aug. 25, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)