VERA FILES FACT SHEET: Ang pinsalang nagagawa sa mundo ng mga plastik na single-use (at bakit ipinagbabawal ito sa Lungsod ng Quezon)
Taun-taon, ang "pangkaraniwang" Pilipino ay gumagamit ng 591 piraso ng sachet, 174 shopping bag, at 163 plastic labo bag bawat taon, kaya’t ang single-use disposable plastik ang "pinakamalaking balakid sa maayos na waste at resource management,” ayon sa ulat ng 2019 ng environmental organization na Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA).