VERA FILES FACT CHECK: Locsin sinasalungat ang mga pahayag ni Duterte at Cayetano sa “posibilidad ng digmaan” laban sa China
Kinontra ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin, Jr. ang mga naunang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang hinalinhan at ngayon ay Speaker Alan Peter Cayetano sa posibilidad ng giyera laban sa China dahil sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea — ang pinakabago sa serye ng mga umuusbong at nagkakasalungat na mga pahayag ng mga opisyal ng gobyerno sa isyu.