Kinontra ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin, Jr. ang mga naunang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang hinalinhan at ngayon ay Speaker Alan Peter Cayetano sa posibilidad ng giyera laban sa China dahil sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea — ang pinakabago sa serye ng mga umuusbong at nagkakasalungat na mga pahayag ng mga opisyal ng gobyerno sa isyu.
PAHAYAG
Sa isang talumpati sa 74th General Nations (UN) General Assembly, tinalakay ni Locsin ang tungkol sa negosasyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Code of Conduct (COC) sa South China Sea, na kung saan ang Pilipinas, Brunei, Malaysia , Vietnam, China, at Taiwan ay may inaangkin na bahagi o kabuuang teritoryo.
Sinabi niya na malayong mangyari na magkagiyera sa pagitan ng Maynila at Beijing dahil sa mga pinagtatalunang teritoryo, dahil ang anumang bansa ay hindi gugustuhin na mawala ang “pinakamayaman” na merkado sa buong mundo:
“So the COC is a code of reality. The reality of the proximity of the soon to be biggest economy in the world in one place with a commensurate industrial war-making capacity. But war is a totally remote possibility
(Kaya ang COC ay isang code of reality. Ang katotohanan na malapit na sa lalong madaling panahon na maging pinakamalaking ekonomiya sa mundo sa isang lugar na may naaayon na kakayahan sa paggawa ng pandigmaang industriya. Ngunit ang giyera ay isang lubos na malayong posibilidad).”
“All parties have built so much and achieve such material progress that none of us nor any outside power will risk losing the richest market in the world. So it is a code of live and let live with China, until it is not
(Ang lahat ng mga partido ay marami nang naipagawa at nakamit na materyal na pag-unlad na wala sa amin o sa anumang kapangyarihang panlabas ang maglalagay sa panganib na mawala ang pinakamayamang merkado sa mundo. Kaya’t ito ay isang code of live and let live kasama ang China, hanggang sa wala).”
Pinagmulan: United Nations, Philippines – Minister for Foreign Affairs Addresses General Debate, 74th Session, Set. 29, 2019, panoorin mula 6:42 hanggang 7:12
ANG KATOTOHANAN
Ito ay isang flip-flop.
Una nang binanggit ni Duterte ang posibilidad ng pakikipagdigma sa China habang ikinukuwento niya ang kanyang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping noong 2017, noong bilateral talks sa Beijing sa Belt and Road Forum. Inamin ng pangulo na nagbanta si Xi na makikipagdigma sa Pilipinas kung ang huli ay magdi-drill para sa langis sa mga pinagtatalunang teritoryo sa loob ng South China Sea.
Inulit niya ang kuwentong iyon sa iba’t ibang okasyon, pati sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address noong Hulyo 22, 2019. Nauna niyang sinabi ang parehong kwento sa kanyang talumpati sa ika-33 Philippine Coast Guard Auxiliary National Convention:
“Sinabi ko talaga harap-harapan: ‘That is ours and we intend to drill oil there.’ Wala nang palaboy-laboy. ‘If it’s yours, well that is your view, but my view is that I can drill the oil if there is some inside the bowels of the Earth because it is ours.’
(‘’Iyan ay amin at balak naming mag-drill ng langis doon.’ Wala nang palaboy-laboy. ‘Kung sa iyo, iyan ang iyong pananaw, ngunit ang aking pananaw ay maaari kong mag-drill ng langis kung mayroon sa loob ng bituka ng mundo dahil ito ay amin’).”
Sagot sa akin, ‘Well, we are friends. We do not want to quarrel with you. We would want to maintain the present warm relationship. But if you force the issue, we will go to war.’
(‘Magkaibigan tayo. Ayaw naming makipag-away sa inyo. Nais naming mapanatili ang kasalukuyang magandang relasyon. Ngunit kung ipipitin mo ang isyu, kami ay makikipagdigmaan’).”
Pinagmulan: RTVMalacanang Youtube, ika-33 Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) National Convention (Talumpati), Mayo 19, 2019, panoorin mula 3:10 hanggang 3:45
Ang noon ay Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa flag-raising ceremony noong Mayo 2018 ay nagsabi na si Duterte ay “makikipagdigma” laban sa China kung tatawirin nito ang “pulang linya” ng pagmimina ng mga likas na yaman sa South China Sea.
Ang pahayag ni Cayetano ay binitawan sa gitna ng mga panawagan na magsumite ng isang diplomatikong protesta laban sa paglapag ng mga bombers ng China sa Woody Island, isa sa mga pinagtatalunang lugar sa South China Sea — isang lugar din na inaangkin ng Beijing, Vietnam, at Taiwan.
Mga Pinagmulan
United Nations, Philippines – Minister for Foreign Affairs Addresses General Debate, 74th Session, Sept. 29, 2019
Association of Southeast Asian Nations, Plan of Action to Implement the Joint Declaration on ASEAN-China Strategic Partnership for Peace and Prosperity (2016-2020)
Presidential Communications Operations Office, 4th State of the Nation Address of President Rodrigo Duterte, July 22, 2019
RTVMalacañang, 33rd Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) National Convention (Speech), May 19, 2019
Alan Peter Cayetano official Facebook page, DFA Flag Raising Ceremony, May 28, 2018
RTVMalacañang, Opening Ceremony of National Special Weapon and Tactics (SWAT) Challenge, March 1, 2018
Philstar.com, Philippines to disclose diplomatic actions ‘at the right time‘, May 28, 2018
Rappler.com, Cayetano lectures career diplomats about diplomacy, May 28, 2018
ABS-CBN News, Beijing’s South China Sea bombers fly in the face of protests, May 23, 2018
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)