VERA FILES FACT CHECK: US envoy sa China gumawa ng dalawang maling pahayag tungkol sa 2016 South China Sea arbitral award
Tinanong si US ambassador to China Nicholas Burns tungkol sa "estratehikong layunin" ng Beijing sa patuloy na pagtaas ng pressure nito sa Pilipinas sa pinagtatalunang South China Sea at "kung hanggang saan ang kanilang gagawin sa pagsubok sa kagustuhan ng U.S." na ipagtanggol ang dating kolonya nito.