Umatras ang Department of Education (DepEd) sa paninindigan nito noong Abril na hindi agad maibabalik ang lumang academic calendar ng mga pampublikong paaralan. Isang memorandum kamakailan ang nag-adjust sa pagtatapos ng 2024-2025 school calendar upang matapos sa Abril 15, 2025 sa halip na sa Mayo 16 ng parehong taon.
PAHAYAG
Isang araw bago magbitiw bilang Education secretary, nilagdaan ni Vice President Sara Duterte ang Department Order No. 008, series of 2024 na nag-aayos ng kalendaryo para sa SY 2024-2025 na magsisimula sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos sa Abril 15, 2025. Nakasaad sa bahagi ng order:
“…DepEd, with the guidance of the Office of the President, recognizes the urgency of reverting the school calendar to the pre-pandemic opening of classes.”
(“… Kinikilala ng DepEd, sa patnubay ng Office of the President, ang pangangailangang ibalik ang kalendaryo ng paaralan sa pre-pandemic na pagbubukas ng mga klase.”)
Pinagmulan: Department of Education, DEPED ORDER NO. 008: AMENDMENT TO DEPED ORDER NO. 003, S. 2024, Hunyo 18, 2024
Nauna nang iniulat ng Presidential Communications Office (PCO):
“In response to public concerns on the schedule of classes, President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday [May 21] approved to start reverting the country’s school calendar to the traditional arrangement.
(“Bilang tugon sa mga alalahanin ng publiko sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Martes [Mayo 21] na simulan ang pagbabalik ng kalendaryo ng paaralan sa bansa sa tradisyonal na kaayusan.)
Thus, the opening of classes for school year 2024-2025 will begin on July 29 this year and end on April 15, 2025.”
(“Kaya, ang pagbubukas ng mga klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025.”)
Pinagmulan: Presidential Communications Office official website, PBBM approves July 29 opening of SY 2024-2025; classes to end April 15 next year Mayo 22, 2024
ANG KATOTOHANAN
Ang DepEd Order No. 008 ay isang pagbabago mula sa pahayag ni Duterte nang kapanayamin ng mga mamamahayag noong Abril 8, at sinabi niya:
“Hindi natin pwedeng idire-diretso ang mga klase dahil kailangan ng pahinga hindi lang ng teacher kundi ng mga mag-aaral.”
Pinagmulan: ANC 24/7, VP Duterte: Return to old school calendar can’t be rushed | ANC, April 9, 2024 panoorin mula 1:33 hanggang 1:43
Sa isang Peb. 15 DepEd Order No. 003, itinakda ni Duterte ang 2024-2025 school calendar mula Hulyo 29, 2024 hanggang Mayo 16, 2025. Nauna nang nagplano ang departamento ng “dahan dahan” na pagbabalik sa pre-pandemic school calendar hanggang 2028 kung kailan ang pagbubukas ng mga klase ay sa Hunyo hanggang matapos sa Marso.
Ngunit, inatasan ni Marcos ang DepEd noong Abril 10 na pabilisin ang pagbabalik sa Hunyo hanggang Marso ng academic year.
Sa news release noong Mayo 22, sinabi ng PCO:
“…the opening of classes for school year 2024-2025 will begin on July 29 this year and end on April 15, 2025. This will start the gradual return of the school year to June of every year until end of March the next year.”
(“…ang pagbubukas ng mga klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025. Ito ay magsisimula sa unti-unting pagbabalik ng school year hanggang Hunyo ng bawat taon hanggang sa katapusan ng Marso sa susunod na taon.”)