Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Duterte bumaligtad sa ‘hindi pagkakaroon’ ng Davao Death Squad

WHAT WAS CLAIMED

Kinumpirma ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng Davao Death Squad noong siya ay mayor ng Davao City, na itinuro ang mga dating opisyal ng pulis, kabilang si Sen. Ronald Dela Rosa, bilang mga miyembro nito.

OUR VERDICT

Flip-flop:

Noong 2015, sinabi ni Duterte na ang ibig sabihin ng DDS ay Davao Development System, hindi Davao Death Squad. Dati na rin siyang umamin na may kaugnayan sa death squad.

By VERA Files

Nov 15, 2024

1-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagtanggi na mayroong Davao Death Squad (DDS) noong siya ay mayor ng Davao City, sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ang mga dating pulis ng Davao na naroroon sa imbestigasyon ng Senado sa drug war ng kanyang administrasyon noong Okt. 28 ay mga commander ng DDS.

Kinumpirma ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng Davao Death Squad noong siya ay mayor ng Davao City, na itinuro ang mga dating opisyal ng pulis, kabilang si Sen. Ronald Dela Rosa, bilang mga miyembro nito. Ito ay isang flip-flop mula sa kanyang pahayag sa isang panayam noong Mayo 27, 2015, sinabi ni Duterte na ang ibig sabihin ng DDS ay Davao Development System, hindi Davao Death Squad sa kabila ng pagkumpirma ng kanyang kaugnayan sa DDS ilang araw bago ang panayam na iyon.

Panoorin ang video na ito:

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.