Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: FB Reel tungkol sa ayuda sa mga mag-aaral, KAILANGAN NG KONTEKSTO

WHAT WAS CLAIMED

Lahat ng estudyante sa Pilipinas ay makatatanggap ng educational assistance sa ilalim ng bagong patakaran ng gobyerno

OUR VERDICT

Kailangan ng konteksto:

Ang clip sa video ay tungkol sa isa lamang panukala o bill sa Kongreso na layuning magbigay ng taunang ayuda sa lahat ng mga Pilipinong estudyante. Hindi pa ito naisasabatas.

By VERA Files

Jul 30, 2024

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

May kumakalat na Facebook (FB) Reel na ipinalalabas na lahat ng estudyante sa Pilipinas ay makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng bagong patakaran ng gobyerno. Kailangan nito ng konteksto.

Ang clip sa video ay tungkol sa isa lamang panukala o bill sa Kongreso na layuning magbigay ng taunang ayuda sa lahat ng mga Pilipinong estudyante. Hindi pa ito naisasabatas.

Ang thumbnail ng video ay may nakasulat na: “EDUCATIONAL ASSISTANCE. MERON NA BA ANG LAHAT NETO?”

Hindi pa naipapasa ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay ng financial assistance sa lahat ng mag-aaral sa bansa. Nakabinbin pa ang naturang panukala sa isang komite ng Kamara.

In-upload noong June 2, ang clip ay kinuha sa news report ng GMA noong Feb. 20 tungkol sa panukala.

Ang House Bill 6908 ay naglalayong bigyan ang mga estudyante mula pre-school hanggang college ng ayudang P1,000 hanggang P5,000 para sa pagkain, pamasahe at upa. Pero ang panukala ay nakabinbin pa rin sa Kongreso mula January 2023. 

Sinasabi rin sa caption ng video na ang ayuda ay ipinatutupad na sa Pasay City. 

Ang ayuda ng Pasay para sa mga estudyante ay ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Pasay at hindi ng pambansang gobyerno ng Pilipinas.

Sa comment section ng kumakalat na FB Reel, ilang mga netizen ang nagtanong ng mga requirement para sa ayuda at kung kailan magsisimula ang pamimigay sa kani-kanilang lugar.

Ang video na kulang sa konteksto ay may higit 2.1 million views, 36,600 reactions, 14,000 shares at 2,500 comments. Kumalat ito habang papalapit ang pagbubukas ng klase ng school year 2024-2025 nitong July 29.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.