Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI ikukulong ulit si de Lima

WHAT WAS CLAIMED

Babalik si Leila de Lima sa kulungan

OUR VERDICT

Nakapanliligaw:

Ang video ay gumamit ng isang putol na newsclip galing sa GMA News program na Saksi at pinagmukhang sinabi ng newscaster na si Pia Arcanghel na ‘balik kulungan si De Lima.’

By VERA FILES

May 22, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May isang Facebook video na nagbalita tungkol sa desisyon ng Court of Appeals noong April 30 kaugnay sa kaso ni dating senadora at ngayo’y Representative Leila de Lima at sinabing siya ay babalik sa kulungan. Ito ay nakapanliligaw.

Ang video ay gumamit ng isang putol na newsclip galing sa GMA News program na Saksi at pinagmukhang sinabi ng newscaster na si Pia Arcanghel na ‘balik kulungan si De Lima.’

Ang video na ini-upload noong May 16 at may nakasulat na: “News Alert: De lima Back to prison again? Plano pa sana maging judge sa impeachment Trial ni VP Sarah!”

Dagdag pa nito: “News Alert!!!! De Lima muling babalik sa kanyang lungga! kittyduterte #SARAHDUTERTE #eBulgar #RodrigoDuterte #BosesNgMasa”

Ang sinabi ni Arcangel sa orihinal na clip ay “Ayon naman sa kampo ni de Lima, hindi ito nangangahulugang balik kulungan si de Lima.”

Pinutol din ang dulo ng balita na nagpapakita naman ng pahayag ni de Lima:

“Final and unappealable ang aking acquittal dahil sa prinsipyo ng double jeopardy, habang appealable pa naman hanggang Supreme Court ang desisyon ng CA. Sa ngayon, mas matimbang pa rin ang pagpapawalang-sala sa akin ng RTC.”

Ipinaliwanag niyang hindi ibinaliktad ng CA ang pag-abswelto sa kanya. Inatasan lang ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na linawin ang desisyon nila sa kaso ng dating senador.

Ipinakalat ang video isang araw matapos ipawalang-bisa ng CA ang desisyon ng Muntinlupa RTC na iabsuwelto si de Lima kaugnay sa kasong droga.

Ang video ay may lagpas 1.1 million views, 18,000 reactions, 3,500 shares at 2,800 comments.

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.