Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI ipinasabog ng China ang mga bangka ng Pilipinas sa Scarborough

WHAT WAS CLAIMED

May pinasabog na 100 Philippine fishing vessels sa Scarborough Shoal ang Chinese Navy.

OUR VERDICT

Mali:

Ang thumbnail photo ay edited at nagpapakita ng illegal fishing boat na pinalubog ng Indonesian Navy sa North Sumatra noong 2016.

By VERA Files

Jun 1, 2024

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

May YouTube video na may pamagat na ipinasabog ng China ang 100 bangkang pangisda ng Pilipinas malapit sa Scarborough Shoal. Clickbait ito.

Ini-upload noong May 22, ang video ay may maling pamagat na: Brutally! 100 Philippine Fishing Boat Blow up by China Navy near Scarborough Shoal. (Brutal! 100 Bangkang Pangisda ng Pilipinas Ipinalubog ng China Navy malapit sa Scarborough Shoal.)

Ipinagmumukha ng thumbnail ang ’di umano’y mga bangkang pangisda ng Pilipinas na nasusunog. Hindi ito totoo.

VERA FILES FACT CHECK: ANG TOTOO. Hindi totoong may pinasabog na 100 Philippine fishing vessels sa Scarborough Shoal ang Chinese Navy. Ang thumbnail photo ay edited at nagpapakita ng illegal fishing boat na pinalubog ng Indonesian Navy sa North Sumatra noong 2016.

Inedit ang watawat ng Pilipinas sa thumbnail. Ini-upload sa Getty Images, ang totoong picture ay ipinakikita ang dalawang ilegal na barko sa North Sumatrana na ipinasabog ng Indonesian Navy noong Feb. 22, 2016.

Isinasalaysay lang ng video ang balita ng TIME Magazine noong May 15 tungkol sa Atin Ito Coalition convoy ng mga Pilipinong sibilyan sa Scarborough, na sinasakop ng China.

Limang barkong pangalakal at 100 bangkang pangisda, na may nasa 200 volunteer, kasama ang mga miyembro ng media, ang sumama sa convoy. May mga nakitang barko ng China, pero walang ipinalubog na bangka ng Pilipinas.

Ang video ay ini-upload isang linggo pagtapos makarating ang Atin Ito convoy sa Scarborough at namigay ng mga pagkain at gasolina sa mga mangingisdang Pilipino. 

Noong April 30, ang mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia ay hinaras, hinarangan, binombahan ng tubig at binangga na naman ang mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na may humanitarian mission sa mga bangkang pangisda ng Pilipinas sa Scarborough. 

Ang video na ini-upload ng YouTube channel na AMERICAN FUTURE (ginawa noong March 23, 2017) ay may higit 10,350 views. Ang AMERICAN FUTURE ay dati nang nag-a-upload ng mga video na may hindi totoong impormasyon tungkol sa pananakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas. 

Sinusubaybayan ng VERA Files Fact Check ang dumaraming pekeng impormasyon tungkol sa patuloy na pananakop ng China sa West Philippine Sea. 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.