Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Bahagi ng EEZ ng Pilipinas ang Ayungin Shoal, taliwas sa sinasabi ng China foreign ministry spokesman

WHAT WAS CLAIMED

Ang Ren’ai Reef ay bahagi ng Nansha Islands ng China.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Ang Ren’ai Reef, na kilala bilang Ayungin Shoal sa Pilipinas at Second Thomas Shoal sa buong mundo, ay bahagi ng 200-nautical-mile exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas, batay sa arbitral win ng bansa noong 2016 laban sa China.

By VERA Files

Jul 19, 2023

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Inulit ni Wang Wengbin, tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng China, ang isang maling pahayag na ang Ren’ai Reef (kilala bilang Ayungin Shoal sa Pilipinas) ay bahagi ng China.

Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, ayon sa arbitral ruling noong Hulyo 12, 2016 laban sa China. (Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng tagapagsalita ng foreign ministry ng China na bahagi ng China ang Ayungin Shoal HINDI TOTOO)

PAHAYAG

Noong Hulyo 5, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong barko ng Chinese Coast Guard (CCG) at anim na Chinese maritime militia vessel ang “sumunod, nang harass, at humarang” sa dalawang barko nito (BRP Malapascua at BRP Malabrigo) sa pagpasok sa Ayungin Shoal noong Hunyo 30. Ang mga barko ng PCG ay nag-eescort ng dalawang bangka ng Philippine Navy para sa resupply mission para sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa mga isyu sa West Philippine Sea, na dalawa sa tatlong barko ng CCG ang gumawa ng “mapanganib na maniobra” nang sinubukan nilang lumapit nang mga 100 yarda (300 talampakan) mula sa mas maliliit na barko ng PCG. Ang mga sasakyang pandagat ng PCG ay kinailangang bawasan ang bilis upang maiwasan ang banggaan at tumugon sa radio challenges ng CCG, ayon kay Tarriela.

Idinagdag ng PCG na ito ay “masyadong nag-alala” tungkol sa pagkakaroon ng dalawang sasakyang-dagat ng People’s Liberation Army-Navy ng China noong insidente.

Nang tanungin tungkol sa insidente noong Hunyo 30 sa isang press conference noong Hulyo 6 sa Beijing, sumagot si Wang:

The Renai Reef is part of Chinas Nansha Islands. On June 30, the Philippine Coast Guard vessels intruded into the waters off the Ren’ai Reef without Chinese permission. In accordance with the law, the Chinese Coast Guard vessel carried out law enforcement activities to uphold China’s territorial sovereignty and maritime order. The Chinese side’s maneuvers were professional and restrained.”

(“Ang Renai Reef ay bahagi ng Nansha Islands ng China. Noong Hunyo 30, ang mga barko ng Philippine Coast Guard ay pumasok sa katubigan sa labas ng Renai Reef nang walang pahintulot ng China. Alinsunod sa batas, ang sasakyang pandagat ng Chinese Coast Guard ay nagsagawa ng mga aktibidad sa pagpapatupad ng batas upang itaguyod ang soberanya ng teritoryo at maritime order ng China. Ang mga maniobra ng panig China ay propesyonal at restrained.“)

 

Pinagmulan: China Ministry of Foreign Affairs official website, Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin’s Regular Press Conference on July 6, 2023, Hulyo 6, 2023

KATOTOHANAN

Ang Ayungin Shoal, na kilala sa buong mundo bilang Second Thomas Shoal, ay bahagi ng EEZ at continental shelf ng Pilipinas, batay sa 2016 arbitral win ng bansa laban sa China.

VERAFIED: Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng EEZ ng Pilipinas, taliwas sa sinabi ng tagapagsalita ng foreign ministry ng China Ang Ayungin Shoal, na kilala sa buong mundo bilang Second Thomas Shoal at tina​ta​wag na Ren’ai Reef ng China, ay bahagi ng EEZ at continental shelf ng Pilipinas, batay sa arbitral win ng bansa noong Hulyo 12, 2016 laban sa China.

Itinuturing ng Pilipinas ang arbitral decision bilang muling pagpapatibay sa mga territorial claim nito, ngunit patuloy itong tinatanggihan ng China. Ang award ay sumasaklaw lamang sa mga sovereign right batay sa kahulugan ng features sa lugar, hindi ang isyu ng soberanya o teritoryo.

Nilinaw ng tribunal na “walang karapatan sa exclusive economic zone o continental shelf na nabuo ng anumang feature na inaangkin ng China na mag-ooverlap sa mga karapatan ng Pilipinas sa lugar ng Mischief Reef at Second Thomas Shoal.”

Sinabi rin nito na ang Ayungin Shoal ay isang low-tide elevation lamang — isang natural na nabuong area ng lupa na napapaligiran at nasa ibabaw ng tubig kapag low tide ngunit lumubog sa panahon ng high tide — sa South China Sea na hindi nagdudulot ng karapatan sa isang territorial sea, EEZ o continental shelf.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Anim na maling kuro-kuro tungkol sa arbitral award ng Pilipinas sa South China Sea)

BACKSTORY 

Ang coast guard ng China ay nasangkot sa ilang insidente ng panggigipit at pagharang sa mga barko ng PCG sa panahon ng maritime patrol o resupply mission sa Ayungin Shoal.

Noong Abril 23, dalawang CCG vessels na may bow number na 5201 at 4202 ang humarang sa BRP Malapascua at BRP Malabrigo habang nagpapatrolya malapit sa Ayungin Shoal. Ang CCG vessel 5201 ay sangkot din sa tangkang pagharang sa BRP Malapascua at BRP Malabrigo noong June 30 resupply mission, at pag-shadowing ng BRP Malapascua habang nagpapatrolya sa Ayungin Shoal noong Marso.

Noong Pebrero, iniulat ng PCG na ilang tripulante ng BRP Malapascua ang dumanas ng pansamantalang pagkabulag matapos ang isa pang barko ng CCG ay nag-flash ng military-grade laser light habang sinusuportahan nila ang rotation at resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

Sa kabila ng sira-sira nitong kalagayan, ang 100-metrong haba na BRP Sierra Madre ay patuloy na nagsisilbing permanenteng outpost ng militar. Sadya itong ginawang grounded ng Philippine Navy noong 1999 sa Ayungin Shoal bilang tugon sa iligal na pananakop ng China sa Mischief Reef (Panganiban Reef) noong 1995.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

Permanent Court of Arbitration official website,  Decision on the Philippines v. China regarding the South China Sea, July 12, 2016

Philippine Coast Guard official Facebook page, On the June 30 incident between Chinese Coast Guard and Philippine Coast Guard vessels, July 5, 2023

PTV official YouTube channel, Panayam kay PCG Spokeperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, July 5, 2023

China Ministry of Foreign Affairs official website, Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin’s Regular Press Conference on July 6, 2023, July 6, 2023

Supreme Court of the Philippines official website, G.R. No. 212426, Jan. 12, 2016

Philippine Coast Guard official Facebook page, On the April 23 incident between Chinese Coast Guard and Philippine Coast Guard vessels, April 28, 2023

Philippine Coast Guard official Facebook page, On the March incident between Chinese Coast Guard and Philippine Coast Guard vessels, March 30, 2023

Philippine Coast Guard official Facebook page, On the Feb. 6 military-grade laser pointing incident in Ayungin Shoal, Feb. 13, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.