Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: HINDI tatanggalin ang 4Ps

WHAT WAS CLAIMED

Tatanggalin na ng gobyerno ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps

OUR VERDICT

Peke:

Ang 4Ps ay isinabatas ng Republic Act 11310. Hindi ito puwedeng tanggalin nang walang ipinapasang bagong batas ang Kongreso.

By VERA Files

Aug 22, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinakakalat sa Facebook ang post na announcement daw ng gobyerno na tatanggalin na raw ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at ngayong August na raw ang huling pamimigay ng ayuda. Peke ito.

Ang post ay hindi announcement ng Department of Social Welfare and Development. Kasasabi lang ni Pangulong Bongbong Marcos noong nakaraang State of the Nation Address na tuloy ang pamimigay ng ayuda sa mahihirap na pamilya.

Ini-upload noong July 19 at patuloy na ishini-share ang post na ito:

“ANNOUNCEMENT. Pabatid sa lahat ng 4Ps ito ay tatanggalin na ng gobyerno. 4PS TANGGAL NA. Huling payout sa August 2025.”

Hindi ihihinto ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA noong nakaraang buwan na magpapatuloy ang naturang programa.

Ang 4Ps ay isinabatas ng Republic Act 11310. Hindi ito puwedeng tanggalin nang walang ipinapasang bagong batas ang Kongreso.

Noong nakaraang SONA ay hinikayat ni PBBM ang mga mambabatas na baguhin ang batas para siguruhing guminhawa muna ang buhay ng mga benepisyaryo bago tanggalin sa 4Ps.

Sa kasalukuyang batas, kailangang tanggalin sa 4Ps ang mga benepisyaryo pagtapos ng pitong taon. Pero sinabi ng DSWD na gusto ni PBBM na tingnan muna ang estado ng buhay ng mga benepisyaryo bago sila tanggalin sa 4PS at hindi na bigyan ng ayuda.

Ang mga pamilyang kasali sa 4Ps ay may ayudang 750 pisong pampagamot at 600 pisong pambili ng bigas kada buwan. Hanggang tatlong anak kada pamilya ang may ayudang pampaaral ng sampung buwan kada taon: 300 piso para sa elementary, 500 sa junior high, at 700 sa senior high school. Ang mga buntis ay may ayudang 350 piso kada buwan sa isang taon.

Ang pekeng post ay patuloy na kumalat nang sabihin ni Senador Erwin Tulfo noong Aug. 3 na ipapanukala niyang palitan ang ayuda ng puhunang pangkabuhayan para sa mahihirap na pamilya. Pero wala pang naisampang pormal na panukala.

Ang pekeng post ay ini-upload ng tatlong Facebook user at may lagpas 1,000 shares.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.