Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Kuya Kim, nagbabala laban sa PEKENG ad sa growth supplement

WHAT WAS CLAIMED

Nagpopromote si Kuya Kim Atienza ng growth supplement na tawag ay Height Growth Extreme.

OUR VERDICT

FAKE:

Itinanggi ni Kim Atienza na nag-endorso siya ng Height Growth Extreme supplement. Hindi rehistrado sa FDA ang nasabing supplement.

By VERA Files

Aug 13, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Anim na Facebook (FB) page ang nagpost ng pekeng ad na pinamumukhang si Kuya Kim Atienza ay nag-eendorso ng pampatangkad.

Gamit ng artificial intelligence (AI), minanipula ang mga clip nina Kuya Kim at Kabayan Noli De Castro para ipalabas na ineendorso nila ang produktong Height Growth Extreme.

Babala ni Kuya Kim sa Instagram noong July 26:

“THIS POST IS A DEEP FAKE (A.I.) | STAY AWAY FROM THIS SCAM. NO SUPPLEMENT CAN MAKE YOU GROW TALLER. THIS IS HAZARDOUS FOR YOUR HEALTH AND IS PROBABLY MELANIN OR PLASTIC.”

(Deep fake (AI) ang post na ito. Lumayo kayo sa panlolokong ito. Walang supplement ang makakapagpatangkad sa inyo. Delikado ito sa kalusugan niyo at malamang ay melanin o plastik.)

Ang Height Growth Extreme ay hindi registered sa Food and Drug Administration.

Itinanggi ni Kim Atienza na nag-endorso siya ng Height Growth Extreme supplement. Hindi rehistrado sa FDA ang nasabing supplement.

Kapag hinanap sa Google, madidiskubreng ang clip nina Kuya Kim at Kabayan ay galing sa episode ng TV Patrol noong Oct. 1, 2021, kung kailan nagpaalam si Kuya Kim dahil huling araw na niya sa TV Patrol.

Para magmukhang tunay, binaggit ng ad ang FDA Advisory No. 0052 series of 2024. Pero ang nabanggit na advisory ay babala talaga laban sa RED LABEL Sweet Chili Sauce.

Ang ad ay may link sa isa pang website na nangangako ng “buy one take one” para sa mga magbibigay ng personal na impormasyon sa pag-order ng produkto. Ang ganitong modus ay ginagamit din ng iba pang panloloko.

Ang ad ay napanood nang higit 2.5 milyong beses sa FB. Una itong ipinakalat noong April 24. Apat sa anim na Facebook page ay ipinakalat ang ad mula kalagitnaan ng July, ilang araw pagtapos sumali ni Kuya Kim sa isang race sa Makati.

Patuloy na kumakalat ang mga panloloko at pekeng ads. Noong nakaraang taon, nasa halos 40 posts na nagbebenta ng di-totoong mga “produktong pangkalusugan” ang pinasinungalingan ng VERA Files.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.