Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Nakalilinlang na posts tungkol sa National ID, CLICKBAIT patungong online shopping

WHAT WAS CLAIMED

Ma-aaccess ang Philippine National ID gamit ang link na bit.ly/digital-national-id-gov.ph

OUR VERDICT

Nakapanlilinlang:

Clickbait ang post na ito: nire-redirect ang users sa isang e-commerce affiliate site. Maaaring tingnan at i-download ang digital na kopya ng National ID sa website na national-id.gov.ph o sa eGovPH app sa smartphones.

By VERA Files

Aug 13, 2024

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Dalawang Facebook (FB) page ang nanlinlang ng mga netizen gamit ang isang link pang-access kuno ng National ID, pero sa katunayan ay bumubukas sa website pang-online shopping.

Ang mga post na inilabas noong Aug. 2 at 3 ay nagbigay ng limang hakbang kung paano i-download ang National ID at ipinaki-click ang mga netizen sa bit.ly/digital-national-id-gov.ph. Pero ang clickbait na link ay papuntang page para sa wireless earphones.

Ang mga post ay inilabas limang araw pagtapos i-post ng FB page ng Barangay Calumpang, Molo, Iloilo ang mga hakbang sa pag-download ng National ID, pero may tamang link at impormasyon.

VERA FILES FACT CHECK: ANG TOTOO. Clickbait ang post na ito: nire-redirect ang users sa isang e-commerce affiliate site. Maaaring tingnan at i-download ang digital na kopya ng National ID sa website na national-id.gov.ph o sa eGovPH app sa smartphones.

Ang mga Philippine National ID ay available sa mga nag-register sa Philippine Identification System (PhilSys). Ang mga digital copy ng National ID ay puwedeng makita at i-download sa national-id.gov.ph at eGovPH app.

Para ma-access ang digital copy ng National ID sa national-id.gov.ph, kailangang i-verify ang identity sa pamamagitan ng pagbibigay ng full name, birthday at pag-facial scan.

Ang mga gumagamit ng eGovPH app ay pagagawain muna ng registered account sa pamamagitan ng personal credentials at ipave-verify ang email address at cellphone number.

Ang nakalilinlang na post na ginawa ng mga FB page na trendnewsph (ginawa noong Sept. 9, 2023) at Philippine News Update (July 27) ay nakakuha ng higit 260 reactions, 170 comments at 1,640 shares.

Hindi bago at patuloy pa ring kumakalat ang mga clickbait. Ang pekeng links, thumbnails at headlines ay kadalasang nililinlang ang mga netizen papuntang mga page ng mga e-commerce platform na nanghihingi ng personal na impormasyon para magbenta ng mga produkto.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.