Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Marcoleta mali sa sinabi na ang PH ang may pinakamataas na rate ng kuryente sa Asia

WHAT WAS CLAIMED

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na rate ng kuryente sa Asia.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Noong 2024, ang Pilipinas ay ikatlo sa pinakamataas na presyo ng kuryente sa kontinente. Nauna Singapore at sumunod ang Japan.

By VERA Files

Jan 20, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta sa kanyang programa sa telebisyon na ang Pilipinas ang may pinakamataas na rate ng kuryente sa Asia.

Ito ay hindi totoo. Noong 2024, ang Pilipinas ay pangatlo sa may pinakamataas na presyo ng kuryente sa kontinente. Nauna ang Singapore at sumunod ang Japan.

PAHAYAG

Sa episode ng Sa Ganang Mamamayan sa NET25 noong Enero 14, ikinuwento ni Marcoleta ang kanyang talumpati noong Enero 13 sa rally ng religious sect na Iglesia ni Cristo (INC), kung saan siya ay miyembro.

Ikinalungkot ng mambabatas na hindi pa umaaksyon ang House of Representatives sa inihain niya na 10 panukalang batas na may kaugnayan energy, na ang ilan ay naglalayong pababain ang singil sa kuryente.

Sinabi niya sa palabas:

Samakatuwid, ang aking ginagawa ay sang-ayon sana sa kagustuhan ng batas, ipatupad natin. Eh, ang pagpapatupad, anong nangyari, tayo na ang pinakamataas ang singil ng kuryente sa buong Asia.”

Pinagmulan: Sa Ganang Mamamayan – January 14, 2025, Enero 14, 2025, panoorin mula 17:52 hanggang 18:08

ANG KATOTOHANAN

Mali si Marcoleta. Ang Pilipinas ang ikatlo sa pinakamataas na singil sa kuryente sa Asia noong nakaraang taon, ayon sa data firm na Global Petrol Prices na nakikipagtulungan sa International Monetary Fund at World Economic Forum.

Marcoleta mali sa rate ng electricity sa Asia

Ang Pilipinas ay naniningil ng P11.34 ($ 0.19) kada kilowatt-hour (kWh) noong ikaapat na quarter ng 2024.

Ang Singapore ang pinakamataas (ang singil) sa P14.00 ($0.239) kada kWh, habang pumangalawa ang Japan sa P 11.80 ($0.201).

Noong Enero 2022, ang Pilipinas ang may pangalawang pinakamataas na rate ng kuryente sa Southeast Asia; nauna pa rin ang Singapore, ayon sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism.

Si Marcoleta ay gumawa ng 11 panukalang batas na may kaugnayan sa energy; ang isa ay nilagdaan bilang batas na kilala bilang Philippine Natural Gas Industry Development Act.

Siya ay miyembro ng House Committee on Energy at apat na iba pang komite, ngunit inalis noong Setyembre 25, 2024 kasunod ng kanyang pagtatanggol kay Vice President Sara Duterte nang gisahin sa Committee on Accounts public hearing dahil sa umano’y maling paggastos ng confidential at intelligence funds ng kanyang opisina.

Sumusubok si Marcoleta na makasungkit ng puwesto sa Senado bilang guest candidate ng Partido Demokratiko Pilipino, ang partido ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.