Editor’s note: The headline of this fact-check was updated to reflect the accurate translation of the claim rating.
Sinabi ni Victor Rodriguez, dating campaign manager at executive secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mayroong siyam na base militar ang United States (U.S.) sa Pilipinas.
Ito ay nakaliligaw. Nauna nang pinabulaanan ng VERA Files ang mga katulad na pahayag mula kay dating pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang noo’y Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano.
PAHAYAG
Sa Hakbang ng Maisug prayer rally in Pampanga last Hunyo 17, sinabi ni Rodriguez:
“Wala na rin ho tayong seguridad; compromised na po ang ating security. Sapagkat bukod sa limang bases ng ating mga sundalo, nagdagdag pa ng apat na military base na binigyang access ang mga Amerikano. Bawal din po iyan sapagka‘t kung inyong matatandaan noong 1991, sinipa ng gobyerno ng Pilipino sa ating Senado noon ang base militar ng Amerikano. Binalik po ngayon hindi lang po isa, hindi dalawa, kundi siyam na base militar ng Amerikano. Bawal na bawal po iyan.”
Pinagmulan: Pilipinas nating Mahal YouTube page, LIVE: Hakbang ng Maisug Pampanga: Defend the Flag, Freedom Concert and Peace Rally | Hunyo 17, 2024, Hunyo 17 2024, panoorin mula 4:27:10 hanggang 4:27:57
ANG KATOTOHANAN
Ang U.S. ay wala nang permanenteng base sa bansa mula noong 1992. Gayunpaman, ang mga tropang Amerikano ay may access sa ilang pasilidad ng militar ng Pilipinas para sa mga partikular na layunin.
Ang kaayusan na ito ay pinahihintulutan sa ilalim ng 1987 Constitution at 1951 Mutual Defense Treaty (MDT).
Ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isang implementing arrangement sa ilalim ng MDT na nilagdaan noong 2014, ay nagbibigay sa US Armed Forces ng access sa mga military sites ng bansa para sa joint training kasama ang Armed Forces of the Philippines.
Pinapayagan din ng EDCA ang mga tropang US na pumasok sa “mga pinagkasunduang lokasyon” upang mag-imbak ng mga kagamitan, magbigay ng humanitarian at disaster relief, at magsagawa ng mga aktibidad sa pakikipagtulungan sa seguridad.
Ipinasara ng U.S. ang lahat ng base nito sa bansa sa pag-turnover ng Subic naval base sa gobyerno noong 1992 matapos tanggihan ng Senado ng Pilipinas ang panukalang palawigin ang pananatili nito. Isang taon bago nito, inabandona ng U.S. ang Clark Air Base kasunod ng pagsabog ng kalapit na bulkang Mount Pinatubo.
Ang Section 25, Article XVIII ng 1987 Constitution ay nagbabawal sa mga dayuhang base militar, tropa, o pasilidad sa bansa maliban kung ang isang kasunduan ay inaprubahan at niratipikahan ng Senado at, kung hinihingi ng Kongreso, sa pamamagitan ng isang pambansang referendum.
Noong 2016, pinasiyahan ng Korte Suprema na ang EDCA ay konstitusyonal. Sinabi nito na ang dokumento ay isang executive agreement, hindi isang treaty, kaya hindi ito kailangang pagtibayin ng Senado.
Check out these sources
Official Gazette of the Philippines, The Constitution of the Republic of the Philippines: Article VIII, Sec. 25, Accessed June 28, 2024
Official Gazette of the Philippines, Speech of President Ramos at the Subic Turnover Ceremony, Nov. 24, 1992
Official Gazette of the Philippines, Mutual Defense Treaty between the Republic of the Philippines and the United States of America, Aug. 30, 1951
Presidential Communications Office, Supreme Court decision on EDCA enhances strategic ties between Philippines and U.S., Jan. 11, 2016
Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 212426, Jan. 12, 2016
The New York Times, Philippine Senate votes to reject U.S. base renewal, Sept. 16, 1991
The Washington Post, U.S. base rejected in the Philippines, Sept. 10, 1991
Los Angeles Times, Manila Senate Rejects U.S. Pact : Philippines: The 12-11 vote would bar American use of Subic Bay Naval Base. Washington supports Aquino‘s call for a popular referendum to overturn the action, Sept. 16, 1991
U.S. Department of Defense, New EDCA Sites Named in the Philippines, April 3, 2023
U.S. Department of State, Agreement Between the Government of the United States of America and the Government of the Republic of the Philippines on Enhanced Defense Cooperation, April 28, 2014