Nagbitiw ng maling pahayag si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano noong Mayo 5 na may mga base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas at Taiwan.
PAHAYAG
Habang kausap ang mga reporter sa Ninoy Aquino International Airport, ipinagtanggol ni Cayetano si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagtutuligsa pagkatapos nitong sisihin ang administrasyong Aquino sa umano’y bigong pagpigil sa pagtatayo ng mga himpilang militar sa West Philippine Sea (South China Sea).
Sinabi ni Cayetano:
“Di ba may bases ang Amerika sa Japan, Korea, Pilipinas, Taiwan. Kaya paano maka-sisiguro ang mainland China na hindi naka direkta laban sa kanila yung mga bases at saka yung mga kagamitan sa militar?”
Pinagmulan: Facebook live video ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Ninoy Aquino International Airport, Mayo 5, 2018, panoorin mula 29: 30-29: 46
FACT
Isinara ng U.S. ang base militar nito sa Subic matapos ang pagtanggi ng Senado ng Pilipinas noong Septiyembre 1991 sa isang panukalang kasunduan na nagpapahintulot sa mga pwersang Amerikano na gamitin ang naval base.
Nauna na rin nitong isara ang base militar nito sa Clark kasunod ng pagkawasak na dulot ng pagsabog ng Mount Pinatubo.
Ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na pinirmahan noong Abril 2014 ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Estados Unidos, ay kasamang isang bahagi:
“pinagtitibay na ang mga partido ay may pagkakaintindihan para ang Estados Unidos ay hindi magtatag ng permanenteng presensya ng militar o base sa teritoryo ng Pilipinas.”
Pinagmulan: Official Gazette, Enhanced Defense Cooperation Agreement between the Philippines and the United States, pahina 1
Ang Korte Suprema, na nagpahayag noong 2016 na ang EDCA ay ayon sa konstitusyon, ay nagsabi:
“Ang EDCA ay hindi nagbibigay ng mga permanenteng base, ngunit sa halip ay pansamantalang rotational access sa mga pasilidad para sa kahusayan.”
Pinagmulan: Supreme Court, Saguisag v Executive Secretary, pahina 69
Pinapayagan ng EDCA ang halinhinang ng presensya ng militar ng US sa limang mga base militar ng Pilipinas:
- Antonio Bautista Air Base in Palawan
- Basa Air Base in Pampanga
- Fort Magsaysay in Nueva Ecija
- Lumbia Air Base in Cagayan de Oro
- Mactan-Benito Ebuen Air Base in Cebu
Pinagmulan: Reuters, CNN, Philippine Star
Inilarawan sa mga balita ang pagtanggi noong 1991 ng Senado ng Pilipinas sa isang bagong kasunduan para sa Subic Bay Naval Station bilang “pagtatapos” ng presensya ng militar ng US sa bansa.
Sa isang ulat noong Setyembre 16, 1991 ng New York Times, “Philippine Senate votes to reject U.S. base renewal,” sinabi:
“Ang Senado ng Pilipinas ay bumoto ngayon upang tanggihan ang isang bagong kasunduan para sa Subic Bay Naval Station at upang wakasan ang presensya ng militar ng Amerikano sa bansa na tumagal ng halos isang siglo.”
Pinagmulan: New York Times, Philippine Senate votes to reject U.S. base renewal
At sa Sept. 10, 1991, Washington Post, “U.S. base rejected in the Philippines,” sinabi:
“Sinabi ng administrasyong Bush kahapon na handa itong talikuran ang malaking naval base ng U.S. sa Pilipinas sa halip na mag-alok ng mga bagong konsesyon upang baligtarin ang isang paunang botohan sa Senado ng Pilipinas upang isara ito. Sinabi ng mga opisyal ng Washington na ang katapusan ay maaaring nalalapit para sa halos isang siglong presensya ng militar ng US sa mga istratehikong isla, at isang krisis para sa relasyong U.S.-Pilipinas.”
Pinagmulan: Washington Post, U.S. base rejected in the Philippines
Kabaligtaran din sa pahayag ni Cayetano, inalis ng U.S. ang presensya ng militar nito mula sa Taiwan noong 1979 matapos itong magkaroon ng diplomatikong relasyon sa Tsina. Ang U.S. at Republic of China Mutual Defense Treaty ay nagtapos sa parehong taon.
Wala alinman sa Taiwan o Pilipinas ang kabilang sa mga bansa na kasama sa isang mapa ng online statistics portal na Statista ng mga base militar ng U.S. ng 2015.
Mga pinagmulan:
Alan Peter Cayetano Facebook page, live video at the Ninoy Aquino International Airport, May 5, 2018
Official Gazette, Enhanced Defense Cooperation Agreement between the Philippines and the United States
Supreme Court, Saguisag v Executive Secretary
New York Times, Philippine Senate votes to reject U.S. base renewal
Washington Post, U.S. base rejected in the Philippines
Defense Technical Information Center, Taiwan’s Political Status: Historical Background and Ongoing Implications