Sa pitong bahaging seryeng ito, ang VERA Files Fact Check ay naghanap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga piling kandidato sa pagkasenador upang matulungan ang mga botante sa pagpili ng iboboto. Sa panghuling bahagi ng seryeng ito kasama si dating vice president Jejomar Binay, dating Ifugao representative Teddy Baguilat, dating Eastern Samar governor Lutgardo Barbo, dating Quezon City mayor Herbert Bautista, at dating Presidential Anti-Corruption Commission chairperson Greco Belgica. Kung mahalal si Binay, makakasama niya sa Senado ang kanyang anak na si Nancy Binay.