VERA FILES FACT CHECK: 20,000, hindi 200,000: Cayetano pinalaki ang bilang ng gumagamit ng droga
Pinalaki ng sampung beses ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga na binanggit sa 2001 Letter of Instruction (LOI), at inulit ang walang basehang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kasalukuyang bilang ng mga adik sa droga.





