Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: Video ni Pacquiao, ginamitan ng AI para magmukhang nag-eendorso ng sugal

WHAT WAS CLAIMED

Former senator and international boxing champ Manny Pacquiao is promoting an online gambling app.

OUR VERDICT

Fake:

Visual signs and expert opinion show that the video was likely manipulated using artificial intelligence.

By VERA Files

Oct 21, 2025

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

May Facebook video na ipinagmumukhang nag-eendorso raw si Manny Pacquiao ng isang app na pansugal. Peke ang video at ini-edit gamit ang artificial intelligence (AI).

Ini-upload noong Oct. 7 ang video na ipinakikita si Pacquiao na nakapormal na damit at binabalaan daw ang publiko laban sa mga pekeng casino na ineendorso ng mga social media influencer. Tsaka inendorso ng video ang gambling app na AAAPH at ipinagmumukhang sinasabi ni Pacquiao na:

“Para po sa mga gustong subukan ang online games para makatulong sa pang-araw-araw na gastos, inirerekomenda ko po ang AAAPH: isang licensed at ligtas na online slot platform. Bakit ito ang best choice? Malalaking bonus at garantisadong withdrawal, diretso sa GCash ang payout, may golden hours recommendation para mas mataas ang chance manalo. Paalala lang po: maging responsable sa paglalaro. Madaling kumita ng 10,000 sa isang araw, pero ‘wag pong maging sakim. Mag-register na ngayon para makuha ang welcome bonus.”

Sa reverse image search, malalamang galing ang pekeng video sa lumang video na ini-upload noong March 23, 2020 sa official YouTube channel ni Pacquiao, kung saan ipinagdasal niya ang publiko noong kasagsagan ng pandemya.

May mga palatandaang ini-edit ang video gamit ang AI, gaya ng:

  • kulang na daliri, malabong pagbuka ng bibig, tengang hindi gumagalaw kasabay ng ulo,
  • hindi mabasa ang ipinakikitang lisensiya at iba pang nakasulat sa video, at
  • maling bigkas ni Pacquiao sa mga karaniwang salita, gaya ng “responsable” at “paglalaro.”

 

Nagpatulong ang VERA Files sa Deepfake Analysis Unit (DAU) ng Misinformation Combat Alliance para kumpirmahin kung ini-edit nga ang video gamit ang AI.

Isinalang ng DAU ang video sa iba’t ibang teknolohiyang nakahuhuli kung ginamitan ng AI ang tunog at video. Ayon sa Aurigin audio deepfake detection engine, lahat ng “sinabi” ni Pacquiao ay ginawa ng AI. Kinumpirma rin ng Hiya Audio Intelligence na ang “boses ni Pacquiao” ay malamang na ginawa o ini-edit ng AI.

Ipinunto rin ng DAU ang iba’t ibang mali sa video, na palatandaan ng pag-eedit, gaya ng:

  • mga patayong linya sa mukha ni Pacquiao,
  • mukhang ipinatong ang mukha niya sa katawan ng ibang tao at iniayos para masabayan ang boses,
  • mukhang isang bloke lang ang ngipin kaysa natural na kita ang bawat isa, at matatabang daliri.

Kabaliktaran sa sinasabi ng pekeng video, hindi authorized ang AAAPH bilang online gaming website o hindi aprubado ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation).

Ang pekeng video ay ini-upload ng Facebook page na JILIF-Game (ginawa noong Oct. 7, 2025) at may lagpas 82,000 views, 300 reactions at 10 comments.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.