Skip to content
post thumbnail

FACT CHECK: WALANG bagong panukalang ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN

WHAT WAS CLAIMED

Ibabalik ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN

OUR VERDICT

Mali:

Hanggang nitong Agosto 13 ay walang panukala ang kasalukuyang House of Representatives o Senado na ibalik ang prangkisa ng TV network.

By VERA FILES

Aug 18, 2025

2-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

May Facebook post na nagsasabing ibabalik ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN. Hindi ito totoo.

Walang panukala ang kasalukuyang Kongreso na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN. Ang mga panukalang inihain sa nakaraang Kongreso ay kailangang isampa ulit.

Ini-upload noong July 30 ang maling post na ito:

“SHOCKING ABS-CBN BIBIGYAN NA NG FRANCHISE! SA WAKAS BABALIK NA SA CHANNEL 2. IBABALIK NA PO NAMIN ANG FRANCHISE NG ABS-CBN. HOUSE BILL 11252: ABS-CBN FRANCHISE.”

Hanggang nitong Aug. 13 ay walang panukala ang kasalukuyang House of Representatives o Senado na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ang House Bill 11252 ay isa sa limang panukala ng Mababang Kapulungan na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN, pero nanatili itong panukala lamang hanggang nagsara ang nakaraang Kongreso noong Hunyo.

Ang mga panukalang hindi naipasa bilang batas bago natapos ang Kongreso kung kailan ito inihain ay kailangang isampa ulit sa susunod na Kongreso, ayon sa patakaran ng House at Senado.

Mula nang ipasara ang ABS-CBN noong 2020, pinasisinungalingan na ng VERA Files Fact Check and mga maling impormasyon tungkol dito.

Ang Facebook post ay ini-upload ng page na Queen Scope (ginawa noong Aug. 25, 2024 bilang JLO Spotlight) at may halos 2,000 interactions.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.