Skip to content

Tag Archives: ABS-CBN

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Zubiri na may ‘napakamalayang media’ ang PH kumpara sa Malaysia, Singapore hindi totoo

Iginiit na "hindi patas" ang ginawa ng Human Rights Committee (UNHRC) ng United Nations na ipahayag ang kanilang mga alalahanin sa mga ulat ng mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa, kabilang ang pagkakapatay sa mamamahayag na si Percy Lapid, maling iginiit ni Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri na ang Pilipinas ay may “napakamalayang media” kumpara sa mga bansang tulad ng Malaysia, Singapore at Vietnam.

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Zubiri na may ‘napakamalayang media’ ang PH kumpara sa Malaysia, Singapore hindi totoo

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Remulla na ‘hindi isinara’ ang ABS-CBN nangangailangan ng konteksto

Sa pagtugon sa mga tanong mula sa isang panel ng mga independiyenteng eksperto sa karapatang pantao sa ika-136 na sesyon ng United Nations Human Rights Committee sa Geneva noong Oktubre 11, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na ang ABS-CBN ay “hindi isinara” ngunit tinanggihan lamang na bigyan ng isang bagong prangkisa. Ito ay nangangailangan ng konteksto.

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Remulla na ‘hindi isinara’ ang ABS-CBN nangangailangan ng konteksto

Napurnada ang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at TV5

Ginipit ng mga kongresista na kakampi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN hanggang nagsara ito halos dalawang taon na ang nakaraan. Ngayon na bumabangon na muli ang dating higanteng TV network sa pamamagitan nitong investment agreement sa TV5, pumasok na naman ang mga kongresista para imbestigahan ang kasunduan. Resulta: hindi na itutuloy ang investment agreement. Bakit?

Napurnada ang pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at TV5

VERA FILES FACT CHECK: Duterte inamin na ginamit ang ‘kapangyarihan ng pangulo’ laban sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, salungat sa dating neutral na paninindigan

Tatlong araw bago bumaba sa puwesto, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang punong ehekutibo para kalabanin ng mga mambabatas ang ABS-CBN. Taliwas ito sa mga naunang pahayag na hindi siya nakialam sa hindi pag-renew ng legislative franchise ng broadcasting network.

VERA FILES FACT CHECK: Duterte inamin na ginamit ang ‘kapangyarihan ng pangulo’ laban sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, salungat sa dating neutral na paninindigan