Iginiit na “hindi patas” ang ginawa ng Human Rights Committee (UNHRC) ng United Nations na ipahayag ang kanilang mga alalahanin sa mga ulat ng mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa, kabilang ang pagkakapatay sa mamamahayag na si Percy Lapid, maling iginiit ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na ang Pilipinas ay may “napakamalayang media” kumpara sa mga bansang tulad ng Malaysia, Singapore at Vietnam.
PAHAYAG
Sa isang press conference noong Nob. 7, tinanong ang senador kung sa tingin niya ay “nakasisira” sa imahe ng Pilipinas ang pakahuling mga obserbasyon ng UNHRC sa bansa. Sinabi ni Zubiri:
“We have a free media. You are [sic] guys are all free. [Nami-]misquote nga ako minsan, eh. Naiinis nga ako sa inyo minsan. You take my quote out of context kaya pinapa-record ko na, eh. Alam mo, we have a very free media as compared to Singapore, as compared to Malaysia, as compared to Vietnam.”
“Mayroon tayong malayang media. Kayo ay malaya lahat. [Nami-]misquote nga ako minsan, eh. Naiinis nga ako sa inyo minsan. Ginagamit ninyo ang sinasabi ko sa maling konteksto kaya pinapa-record ko na, eh. Alam mo, mayroon tayong napakamalayang media kumpara sa Singapore, kumpara sa Malaysia, kumpara sa Vietnam.”
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Transcription of Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri’s Press Conference, Nobyembre 7, 2022
ANG KATOTOHANAN
Habang tama si Zubiri tungkol sa Vietnam, mali naman siya sa sitwasyon sa Singapore at Malaysia. Ang kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas ay hindi mas maayos kaysa sa Singapore at Malaysia, ayon sa World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders (RSF) na nakabase sa Paris. Batay sa 2022 ranking ng international media freedom watchdog, ang Pilipinas ay ika-147 sa 180 bansa habang ang Malaysia ay nasa ika-113 at Singapore, ika-139. Mas mababa ang ranggo ng Vietnam kaysa sa tatlong bansa sa ika-174.
Sa apat na bansang binanggit ni Zubiri, ang Pilipinas ang nakakuha ng pangalawang pinakamababang marka sa security indicator, na may 24.83 sa 100 puntos.
Taun-taon, sinusuri ng RSF ang kalayaan sa pamamahayag sa mga bansang nasa listahan nito batay sa limang tagapagpahiwatig ng konteksto, kabilang ang kaligtasan ng mga mamamahayag sa pinsala sa katawan at pananakot, pati na rin ang suporta para sa pagpapanagot sa kanilang pamahalaan o ang kawalan nito.
Para sa Pilipinas, binanggit ng international watchdog ang pagtanggi ng House of Representatives na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, red-tagging ng mga mamamahayag na kritikal sa gobyerno, at cyberattacks sa mga manggagawa sa media. Sinabi rin nito na “halos ganap ang impunity [sa krimen ng pagpatay sa mga mamamahayag],” binanggit ang mahabang panahon na kinakailangan bago makita ang katuparan sa pagsisiyasat ng mga kasong ito.
Nasa ika-7 ang Pilipinas sa 2022 Global Impunity Index na may 14 na hindi nalutas na pagpatay sa mga mamamahayag, batay sa hiwalay na ulat ng Committee to Protect Journalists, isang international non-profit nagsusulong sa kalayaan sa pamamahayag.
BACKSTORY
Iniulat ng RSF na ang kalayaan sa pamamahayag ay “kapansin-pansing lumala” sa rehiyon ng Asia-Pacific, na binanggit ang kudeta ng militar sa Burma noong 2021 at ang pag-agaw ng kapangyarihan ng Taliban sa Afghanistan sa parehong taon.
Nabanggit din na:
“In countries reputed to be more democratic, the media face pressure from increasingly authoritarian and/or nationalist governments such as India (150th), Sri Lanka (146th), and the Philippines (147th).”
“Sa mga bansang ipinalalagay na mas demokratiko, ang media ay nahaharap sa panggigipit mula sa lumalalang authoritarian at/o mga nationalistic na mga pamahalaan tulad ng India (ika-150), Sri Lanka (ika-146), at Pilipinas (ika-147).”
Pinagmulan: Reporters Without Borders (RSF), Asia – Pacific Absolute and autocratic control of information, Na-access noong Nob. 10, 2022
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
United Nations Office of the High Commissioner of Human Rights, Concluding observations on the fifth periodic report of the Philippines*, Nov. 3, 2022
Senate of the Philippines, Transcription of Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri’s Press Conference, Nov. 7, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Index (2022), Accessed Nov. 10, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Philippines (2022), Accessed Nov. 10, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Malaysia (2022), Accessed Nov. 10, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Singapore (2022), Accessed Nov. 10, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Vietnam (2022), Accessed Nov. 10, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Methodology used for compiling the World Press Freedom Index From 2022 onwards, Accessed Nov. 10, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Investigation : Despite long legal battle, alleged mastermind behind murder of courageous Filipino journalist still at large, March 1, 2022
Committee to Protect Journalists, 2022 Global Impunity Index: A special report by the Committee to Protect Journalists, Nov. 1, 2022
Committee to Protect Journalists, About Us, Accessed Nov. 11, 2022
Reporters Without Borders (RSF), Asia – Pacific Absolute and autocratic control of information, Accessed Nov. 10, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)