Skip to content
post thumbnail

FACT SHEET: Bakit dapat mo ikabahala ang paglilipat ng P90B na pondo ng PhilHealth

Health advocate Dr. Anthony Leachon iginiit na ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth ay labag sa Universal Health Care Act.

By Psalm Mishael Taruc

Sep 2, 2024

3-minute read

Translate

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma sa pagdinig ng Senado noong Agosto 20 na ang paglilipat ng P10 bilyon, na kumakatawan sa ikalawang tranche ng P89.9 bilyong sobrang pondo ng ahensya, sa pambansang kaban ng bayan ay magpapatuloy kinabukasan.

“Hanggang sa makakuha tayo ng TRO (Temporary Restraining Order) mula sa Supreme Court… sumusunod lamang tayo […] kaya ang nakaiskedyul na paglilipat ay bukas (Agosto 21). Susunod tayo,” sinabi niya sa mga senador.

Kasama ang inisyal na remittance na P20 bilyon noong Mayo, ang isang-katlo na ng sobrang pondo ng PhilHealth ay nasa kaban ng bayan.

Narito ang dalawang bagay na kailangan mong malaman kung bakit dapat ikabahala ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth:

1. Bakit kontrobersyal ang P89.9 bilyong sobrang pondo?

Sa Tres from Tress (TFT) podcast episode noong Agosto 14, iginiit ng health advocate na si Dr. Anthony Leachon na ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth ay labag sa Republic Act No. 11223 o Universal Health Care Act (UHCA).

Sa pagdinig ng Senado, sinabi rin niya na ang fund transfer ay “counter-intuitive, anti-Filipino, at anti-health.”

Nakasaad sa UHCA na ang mga hindi nagamit na pondo ay kailangang ireserba na may pinakamataas na tinantyang halaga ng “dalawang taon na inaasahang gastusin sa programa.” Ang labis na pondo ay dapat gamitin upang madagdagan ang mga benepisyo ng programa o bawasan ang mga kontribusyon.

Kasama sa 2024 General Appropriations Act ang isang probisyon na nag-awtorisa sa paggamit ng reserbang pondo ng Government-Owned and -Controlled Corporations tulad ng PhilHealth para sa unprogrammed appropriations – ang standby authority ng pangulo na gumastos ng labis na pondo sa mga programang walang nakalaan budgyet pa, hangga’t ang mga ito ay nakakatugon sa mga partikular na pamantayan.

(Tingnan ang FACT SHEET: Para saan ba ang unprogrammed funds?)

2. Bakit dapat magmalasakit ang mga nagbibigay ng kontribusyon sa PhilHealth?

Milyun-milyong Pilipino ang may mga malubhang sakit kaya, sinabi ni Leachon, “dapat nag-isip sila (PhilHealth) ng paraan para madagdagan ang tinatawag na case rates o packages para sa catastrophic medical illness” sa halip na ipadala ang pondo sa pambansang kaban.

Sa parehong TFT episode, ikinalungkot ng mga taong nakapanayam sa kalye ang mataas na kontribusyon sa PhilHealth na awtomatikong ibinabawas sa kanilang mga suweldo.

Ang premium na kontribusyon sa PhilHealth ay naka-iskedyul sa ilalim ng UHCA na tumaas ng 0.5% bawat taon mula 2021 hanggang 2024. Ito ay nasa 3.5% ng buwanang suweldo ng isang empleyado noong 2021, 4% noong 2022, at dapat ay nasa 5% ngayong taon hanggang 2025. Ibig sabihin, P500 ang ibabawas sa taong kumikita ng P10,000 kada buwan para sa kontribusyon ng PhilHealth.

Gayunpaman, sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakatakdang adjustment mula 4% hanggang 4.5% noong 2023. Sa unang bahagi ng taong ito, sinabi ni Marcos na pinag-aaralan niya ang rekomendasyon ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ipagpaliban ang premium adjustment mula 4% hanggang 5% ng buwanang suweldo ng empleyado.

Sinabi ni Herbosa na ang PhilHealth ay may “sapat na pera” para ipagpatuloy ang pagbibigay ng mga benepisyo nang hindi na kailangang taasan ang premium na kontribusyon.

Check out these sources

 

Senate of the Philippines, Committee on Health and Demography hearing (Aug. 20, 2024), Accessed Aug. 21, 2024

Integrated Corporate Reporting System, Republic Act No. 11223 or the Universal Health Care Act, July 2018

Department of Budget and Management, General Appropriations Act 2024, December 2023

PhilHealth official website, Premium contribution schedule, December 2019

PhilHealth official website, PhilHealth – JOINT STATEMENT, January 2023

On Marcos studying Herbosas appeal to suspend PhilHealth contribution hike

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.