After 20 years, these farmers have yet to own their land.
Ako si Alexander Barroca , 38 taong gulang, tatlong anak. Taga Carranoche. Nag-hunger strike ako pitong araw sa Manila para ma-install sa lupa. Kaya lang pagkatapos ng isang buwan, binawi naman nila. Wala naman kaming trabaho. Wala kaming pagkukunan ng pangkabuhayan.
Hinihingi namin na ibalik sa amin ang lupa para maka-pagpaaral kami ng aming mga anak. Amin ang lupa. May titulo kami. Nagdesisyon na ang Supreme Court.
Qualified ako. Kaya lang maliit ang binigay sa akin. Parcel 7. Tatlo ang anak ko. Wala naman akong trabaho. Walang ibang maaasahan sa aming lupain. Sana dagdagan. Yung sapat naman sa aking pangkabuhayan at sa aming mga smallholders.
Ibalik sa amin ang kinuha nila sa amin. Ang hinihiling lang namin: Ibalik lang.
Kahit noon pa, pag-aari ng asawa ko ang lupa. Noong Marso 2008, hindi na kami nakapagtrabaho sa aming lupa dahil hinarass ng mga guwardiya ang aking asawa.
Sana maibalik ang lupa sa amin dahil wala naman kaming ibang kabuhayan, ‘yun lang.
Sa lupa lang kami umaasa ng aming kabuhayan dahil maliit naman ang kinikita ng asawa ko. Ginagawa ko ito para sa aking mga apo, mga anak at mga kamag-anak.