Napakahirap talagang tantyahin noong una kung ano ang magiging resulta, dahil ang bawat senador ay mayroong kanya-kanyang naging batayan, at kanya-kanyang konsensiya. Ganunpaman, ang resultang ito na ang aking inasahan.
Ang naging boto ko ay para sa katinuan sa pamahalaan at para sa paghilom ng ating bayan.
And now, as we have concluded this very divisive impeachment exercise, I hope that this is already indeed the conclusion.
It is now time for our people and our nation to move forward. We must now set aside the hurt, our partisanship, and our differences so that we can unite and work together.
Ang pulitika, dapat 90 days lang sa nasyunal, at 45 days lang sa lokal. Pagkatapos niyan, wala na munang parti-partido kung ang pinag-uusapan ay ang kapakanan ng bayan. We are one with the campaign against corruption and supportive of government’s efforts to uplift the country, but will continue to be watchful and ready to fiscalize.
Alang-alang sa pagkakaisa at paghilom ng ating bayan; alang-alang sa pagpapatibay ng mga institusyon ng ating pamahalaan; alang-alang sa mga darating pang henerasyon at ng ating kinabukasan; tayo po ay magkaisa at magtulungan.
I find Chief Justice Corona guilty.