Skip to content
post thumbnail

‘Para tayong magnanakaw sa sarili nating pag-aari’

Mistulang mga magnanakaw sa sariling bakuran. Ganyan ang nararamdaman ng mga mangingisdang Filipino tuwing mapapalapit sa Scarborough Shoal, 224 kilometers mula sa Zambales. Pakinggan dito sa Episode 25, Season 2 ng What The F?! Podcast.

By VERA Files

Oct 15, 2023

1-minute read

Share This Article

:

Mistulang mga magnanakaw sa sariling bakuran. Ganyan ang nararamdaman ng mga mangingisdang Filipino tuwing mapapalapit sa Scarborough Shoal, 224 kilometers mula sa Zambales.

Nitong mga nakaraang taon, mahigpit na ang pagbabantay ng China sa 150-kilometrong lagoon sa Scarborough. Kasabay nito ang paglala ng mga problemang binubuno ng mga mangingisda sa laot— kakaunti at maliliit na huling isda, mataas na presyo ng langis, pati na ang kakulangan sa gamit.

Dito sa Episode 25, Season 2 ng What The F?! Podcast pakinggan ang mga hinaing ng mga mangingisda na aming nakausap sa Masinloc at Candelaria sa Zambales.

Pwede rin pakinggan sa Spotify, Apple Podcasts, Google Podcasts, Spotify for Podcasters.

(Editor’s Note: Ang mga mamamahayag na gumawa ng ulat na ito ay lumahok sa tatlong araw na seminar-workshop ng VERA Files na naglayong paunlarin ang kakayahan ng midya na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa sitwasyon sa South China Sea. Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng Canada Fund for Local Initiatives ng Pamahalaan ng Canada.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.