Isa ang Panay-Guimaras-Negros Islands interlink Bridge sa tatlong malalaking proyekto na sakop ng kasunduan na pinirmahan ng Pilipinas at South Korea noong Oct. 7.
Matagal nang pangarap ng mga taga-Western Visayas na magkaroon ng tulay para sa mas mabilis na byahe at mas maunlad na ekonomiya sa rehiyon. Pero sa ilalim ng “one-of-its-kind” bridge project na ito, nanganganib na maubos ang critically endangered na Irrawaddy dolphins.
Paano mababalanse ang pangangailangan sa kaunlaran at kapaligiran?
Pakinggan ang diskusyon ng VERA Files reporters dito sa special episode ng What the F?! Podcast.