Categories
Arts & Culture Editor's Pick

‘Tatlong Kuwento Para Sa Batang Pilipino’ Book Launch

Bilang paggunita sa ika-64 kaarawan ng batikang mamamahayag at guro na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan, narito ang “Tatlong Kuwento Para Sa Batang Pilipino,” isang libro na naglalaman ng mga kuwentong pambata na isinulat ni Chit para sa kanyang tatlong pamangkin noong siya’y nabubuhay pa.