Skip to content
post thumbnail

Trillanes writes to Sabio

“Alam mo na maayos kitang trinato at maayos ang ating samahan nung nakaraang mahigit dalawang taon. Panay pa ang papuri at pakikiisa mo noon sa pakikipaglabanan natin para sa tama. Kahit walang pera ang oposisyon, tibay ng loob at paninindigan naman ang capital natin sa labang ito.

By Ellen T. Tordesillas

Sep 9, 2019

5-minute read

Share This Article

:

At the second preliminary investigation last Friday by the Department of Justice of the charge of sedition filed by the Philippine National Police against Vice President Leni Robredo and 38 others including former Sen. Antonio Trillanes III,Assistant Solicitor General Angelita Miranda tried to submit additional evidence but was rejected by the panel for the simple reason that when they filed the case in July, the evidence should have been complete.

What Miranda wanted to submit was a news clipping of an opinion piece by lawyer Jude Sabio in the Mindanao Goldstar Daily on Sept. 2, 2019 criticizing Trillanes and a column in the Manila Times by Rigoberto Tiglao about Sabio’s article.

Many were surprised and intrigued by Sabio’s column because he and Trillanes were together in haling Duterte to the International Criminal Court.

Sabio was also counsel to Edgar Matobato, a self-confessed former member of the Davao Death Squad.

Last Saturday, Sabio talked with ABS-CBN and expounded on what he wrote in Mindanao Gold Star Daily.

Trillanes, who is now teaching at the University of the Philippines and Ateneo de Manila University, released an open letter yesterday to Sabio.

Here’s Trillanes letter:

“Nung mga nakaraang buwan ay nanahimik ako sa mga pagmumura mo at mabibigat mong salita laban sakin hoping na marealize mo nang kusa ang kamalian sa mga sinasabi mo. Pero dahil nailabas na sa media ang issue, ako ay napilitang gawin itong open letter na ito para linawin ang ilang mga issue na nasabi mo.

“Una, na ako ay may pagkakautang sayo na 700 thousand pesos. Maliwanag mismo sa interview mo na hindi ako ang nagpagawa sayo ng billing na yan at hindi rin ako ang kliyente mo. Si Edgar Matobato ang kliyente mo at maliwanag sa ating lahat na pro bono ang engagement nyo dahil hindi nya naman kayang magbayad. Pero ganun pa man, gaya ng pag-amin mo, tumatanggap ka sakin ng 50 to 100 thousand pesos buwan-buwan simula pa nung late 2016 hanggang matapos ang termino ko nung nakaraang June 30, 2019. Sinasabi mo na hindi dapat bilangin yun kasi “retainer” dapat ang tawag dun. Pero bakit magiging retainer ang tawag mo dun eh hindi mo naman ako kailan man naging kliyente at wala ka namang nahawakang kaso ko ni isa. Meron akong mga abogado sa pangunguna ni Atty. Rey Robles kaya hindi ko kinailangan ang legal services mo. Sa madaling salita, tulong ang binibigay sayo buwan-buwan dahil nga naiintidihan ko ang kalagayan mo. Bukod pa sa monthly na tulong na yan, lahat ng hiningi mo na pera, binigay ko, gaya ng pambili ng gamot, pambayad ng utang mo, pambayad ng renta mo, balikang tickets papunta ng Cagayan de Oro, pang-ship ng kotse mo, at iba pa. Pati nga mga pang-Grab mo o pang MCLE seminar ng abogado para makapag practice ka, binigay ko rin. Sa katunayan, mga limang beses ako nagbigay ng pang MCLE pero isa lang ang pinasukan mo. Sa madaling salita, never akong nagkulang sayo.

 

“Nung Abril, nagpauna na ako sayo na dahil matatapos na ang termino ko in 2 months, hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagtulong ko sayo after June 30. Kaya rin nag-advise ako sayo na maghanap ka na ng trabaho. Hanggang sa mga panahon na yun, maayos pa rin ang pakikitungo natin sa isa’t isa.

 

“Pangalawa, minasama mo na binigyan lang kita ng 30 thousand pesos pocket money nung pumunta ka sa The Hague, Netherlands pag-file mo ng communication sa ICC. Pero hindi mo namention na sinagot naman ang mga balikang tickets at hotel para sa byahe mo. Mga equivalent din sa 500 euros ang allowance na binigay sayo para sa limang araw na stay mo sa Netherlands o 100 euros per day na kung saan ay hatid-sundo ka naman araw-araw ng mga kababayan natin dun at sila rin ang nagbabayad lahat ng meals nyo. Again, sa madaling salita, hindi ako nagkulang sayo.

 

“Pangatlo, ukol sa mga sinabi mo tungkol kay Bikoy. Maliwanag sa interview mo na wala kang personal knowledge sa involvement ko kay Bikoy at hinala mo lang na malalim ito kasi sabi mo, kinukuha kita bilang abogado nya. Assuming, for the sake of discussion na tama ang pagkaalala mo sa nangyari, sa interview mo mismo ay sinabi mo na ang sabi ko sayo ay may “ibang handlers” si Bikoy na nagpapahanap lang sila ng abogado nya. Hindi ba maliwanag yun na I’m not directly involved with him?

 

“Anu’t ano pa man, alam ko ang hirap na pinagdadaanan mo ngayon. Hindi lang problemang financial at physical, kundi na rin pressure galing sa mga mahal mo sa buhay. Pero walang nagsara ng pinto sayo. Sana kung humingi ka na lang ng tulong, kahit mahirap ang sitwasyon, magagawan naman ng paraan para matulungan ka. Kaso pinagmumura mo na kami agad at naniningil ng mga pera na wala naman talagang pagkakautang.

 

“Alam mo na maayos kitang trinato at maayos ang ating samahan nung nakaraang mahigit dalawang taon. Panay pa ang papuri at pakikiisa mo noon sa pakikipaglabanan natin para sa tama. Kahit walang pera ang oposisyon, tibay ng loob at paninindigan naman ang capital natin sa labang ito.

 

“Ganun pa man naiintindihan ko naman kung pinanghihinaan ka na ng loob sa labang ito. Pero kapit lang. Tiwala lang. Dasal lang. Sayang ang mga naiambag mo sa laban para sa mga karapatang pantao. Hayaan mo, balang araw sa malapit-lapit na hinaharap ay lilipas din itong mga pagsubok na to at magkikita tayong muli at masayang babalikan natin ang mga mabigat na yugtong ito na magaan ang dibdib at may matiwasay na pagiisip sa pagkakaalam na nakapaglingkod tayo sa Inang Bayan.”

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.