Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Imee nagbago ng isip sa Trillanes amnesty

Mula sa pagsasabi na si Sen. Antonio Trillanes IV at ang kanyang mga kapwa rebelde ay "bayad na sa kanilang mga atraso," iniisip naman ngayon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dapat itong makulong at papanagutin sa kasong rebelyon.

By VERA FILES

Oct 5, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagsasabi na si Sen. Antonio Trillanes IV at ang kanyang mga kapwa rebelde ay “bayad na sa kanilang mga atraso,” iniisip naman ngayon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dapat itong makulong at papanagutin sa kasong rebelyon.

PAHAYAG

Sa isang panayam Septiyembre 27 ng CNN Philippines, tinanong sina Marcos at dating senador Jinggoy Estrada kung ang pag-aresto kay Trillanes na iniutos ng Makati Regional Trial Court (RTC) branch 150 ay “tama o mali.”

Habang ipinagpaliban ni Estrada ang paghusga, sinabi ni Marcos:

“Oo, ito ay legal. Ito ay legal. Medyo pagod na ako dito. Sa palagay ko, dapat pagtuunan natin ng pansin ang talagang mahalagang mga isyu tulad ng inflation.”

Pinagmulan: CNN Philippines, On the Record: Senatorial Survey: Who’s in, who’s out, Septiyembre 27, 2018, panoorin mula 23: 53-24: 01.

Pinagbigyan ng Makati RTC 150 ang petisyon ng Department of Justice na maglabas ng arrest warrant sa kasong rebelyon laban kay Trillanes matapos makakita ng legal na basehan sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang amnestiya ng senador.

FLIP-FLOP

Noong 2010, iginiit ni Marcos na ang mahigit pitong taong pagkabilanggo ni Trillanes ay sapat nang kaparusahan.

Sa isang joint statement, siya at ang 83 iba pang kilalang personalidad ay nagsabing:

“Naranasan na ng mga sundalo ang paghihirap na bunga ng kanilang mga pagkilos. Nabayaran na nila ang kanilang atraso. Naniniwala kami na ito na ang panahon para sa kanila na muling buuin ang kanilang buhay, at sa proseso, makatulong sa muling pagtindig ng bansang ito. ”

Pinagmulan: Senate of the Philippines, A Time to Heal All Wounds: Towards Genuine National Reconciliation, Disyembre 7, 2010.

Ang pahayag, na inilathala noong Setyembre 16, 2010, sa Philippine Daily Inquirer at muling ipinost sa opisyal na website ng Senado, ay hinimok si Pangulong Benigno Aquino III na magbigay ng amnestiya sa mga sundalo na sangkot sa 2003 Oakwood mutiny, 2006 Fort Bonifacio Marine standoff, at 2007 Peninsula Manila siege.

Si Trillanes ay nakulong noong 2003 dahil sa kanyang partisipasyon sa Oakwood mutiny at nanatiling nasa kulungan matapos kasuhan muli ng rebelyon dahil sa 2007 siege, bago na bigyan ng amnestiya noong 2010 sa pamamagitan ng Proclamation No. 75 ni Aquino.

Noong Agosto 31, inilabas ni Duterte ang Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Trillanes at iniuutos ang kanyang “agad na pag-aresto,” dahil sa umano’y “kabiguang mag-apply para sa amnestiya at pagtanggi na aminin ang pagkakasala” ng senador (Tingnan VERA Files Fact Sheet: Duterte voiding Trillanes amnesty explained).

Inaresto siya noong Setyembre 25 ngunit nagbayad ng piyansang P200,000 nang araw ding iyon.

Bukod kay Marcos, isa pang kilalang pumirma sa joint statement ay si Presidential Spokesperson Harry Roque, kumakatawan noon sa Concerned Citizen Movement, na ngayon ay sumusuporta sa pag-aresto ni Trillanes.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

CNN Philippines, On the Record: Senatorial Survey: Who’s in, who’s out, Sept. 27, 2018.

Inquirer.net, FULL TEXT: Copy of Makati RTC arrest order vs Trillanes, Sept. 25, 2018.

Official Gazette, Revised Penal Code.

Senate of the Philippines, A Time to Heal All Wounds: Towards Genuine National Reconciliation, Dec. 7, 2010.

Official Gazette, Proclamation No. 75, s. 2010.

Official Gazette, Proclamation No. 572, s. 2018.

Philstar.com, Makati court orders Trillanes’ arrest for rebellion case, Sept. 25, 2018.

CNN Philippines, Trillanes free for now after posting P200,000 bail, Sept. 25, 2018.

ABS-CBN News Online, Palace maintains Trillanes failed to apply for amnesty, Oct. 2, 2018.

Inquirer.net, Roque backs ‘learned judge’ over AFP chief on lost Trillanes amnesty papers, Oct. 2, 2018.

Rappler.com, Roque on Trillanes amnesty: Why take word of AFP chief over ‘learned judge’?, Oct. 2, 2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.


Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.