Mali ang pahayag ni Evita Jimenez, executive director ng think tank na Center for People Empowerment in Governance, na Bicol ang pinakamahihirap na rehiyon sa bansa. Ito ay ginawa sa paglulunsad ng isang libro kontra kahirapan na pinondohan ng pamahalaan at kasama si Jimenez sa nagsulat.
Sinabi rin niya na ang second class na munisipalidad ng Caramoan Island, isang sikat na destinasyon sa rehiyon, ay nananatiling third class na munisipalidad sa kabila ng pagunlad ng turismo.
PAHAYAG
Noong Enero 11, sa paglulunsad ng librong “Reforming Philippine Anti-Poverty Policy” ng National Anti-Poverty Commission, inilarawan ni Jimenez ang Bicol bilang “isa sa pinakamahihirap” at pagkatapos ay “pinakamahihirap sa mga rehiyon:”
“May isa kaming pag-aaral na ginagawa sa Bicol. Ang Bicol ay isa sa pinakamahirap na rehiyon sa buong Pilipinas. Nakakapagtaka dahil ang Bicol ay napakalapit sa Manila, NCR. Pero hanggang ngayon sa ilang dekada, nananatili siyang pinakamahihirap sa mga rehiyon.”
Pinagmulan: Paglulunsad ng National Anti-Poverty Commission Secretariat Policy Paper, Enero 11, 2017, Quezon City, makinig makinig mula 0:36 hanggang 0:57
Nagpapaliwanag tungkol sa kahirapan at paglahok ng mga tao sa pamamahala, ginamit niya bilang halimbawa ang Caramoan Island sa Camarines Sur:
“Ito ang pinakamagandang isla sa Camarines Sur, ang Caramoan. Sa ngayon, nananatili siyang third-class na munisipalidad.”
Pinagmulan: Paglulunsad ng National Anti-Poverty Commission Secretariat Policy Paper, Enero 11, 2017, Quezon City, makinig makinig mula 1:18 hanggang 1:30.
FACT
Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kung saan halos kalahati ng mga pamilya ay itinuturing na mahirap, ang pinakamahihirap na rehiyon sa bansa, ipinakikita ng pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority.
Ang rehiyon ng Caraga ang ikalawang pinakamahihirap, na may 30.8 porsyento ng mga pamilya na itinuturing na mahihirap; sinusundan ng Eastern Visayas, 30.7 porsiyento; Soccsksargen, 30.5 porsyento; at Northern Mindanao, 30.3 porsyento.
Bicol ang ika-anim, na may 25.7 porsiyento ng mga pamilya na itinuturing na mahihirap.
Tinataya ng PSA na ang isang pamilya na may limang miyembro ay mangangailangan ng P9,064 bawat buwan para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pagkain at hindi pagkain; ang mga kumikita ng mababa rito ay itinuturing na mahirap.
Ang Caramoan, taliwas sa pahayag ni Jimenez, ay second- at hindi third-class na munisipalidad, ayon sa PSA noong Disyembre 2017.
Ang mga third class na munisipalidad ay ang mga may taunang kita na P270 milyon hanggang P360 milyon; second class, P360 milyon hanggang P450 milyon; at first class, P450 milyon at pataas.
Mga pinagkunan:
Department of Finance Department Order No. 23-08
Philippine Statistics Authority, Philippine Standard Geographic Codes: Camarines Sur, Philippine Statistics Authority
PSA, Poverty incidence among Filipinos registered at 21.6% in 2015 – PSA