Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Hirit ng Bong Go video tungkol sa kahirapan at gutom hindi suportado ng datos

Isang online video na nag-eendorso sa kandidatura sa pagka-senador ni Christopher Lawrence "Bong" Go ang gumawa ng pahayag tungkol sa kagutuman at kahirapan na hindi suportado ng datos.

By VERA FILES

Dec 14, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Isang online video na nag-eendorso sa kandidatura sa pagka-senador ni Christopher Lawrence “Bong” Go ang gumawa ng pahayag tungkol sa kagutuman at kahirapan na hindi suportado ng datos.

PAHAYAG

Ang video, na na-post noong Dis. 5 sa pahina ng Facebook NDMstudios ngunit mula noon ay tinanggal na, ay nag tampok ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumakanta ng jingle sa tono ng Bongga Ka ‘Day ng Hotdog at sinasabing:

“Tapos na ang araw ng hirap at kagutom

Swerte ka’t nakahagip tayo ng Digong”

Pinagmulan: BONG GO NA, BAI! (Suporta para sa Kuya Bong GO), NDMstudios Facebook page, panoorin mula 1: 51-1: 55

Si Go ay dating special assistant ng Pangulo.

ANG KATOTOHAN

Ang datos ng gobyerno at mga pansariling tagapagpahiwatig ay pinasisinungalingan ang pahayag; ang kahirapan at kagutuman ay hindi nabawasan at tuluyang nawala tulad ng sinasabi sa jingle.

Ang ilan sa 21.9 milyon – isa sa limang Pilipino – ay mahihirap noong 2015, ipinakikita ng mga pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang datos ng Nobyembre 2018 sa multidimensional na kahirapan, mula rin sa PSA, ay nagpapakita ng mga kawalan sa mga pamilyang Pilipino sa mga tagapagpahiwatig na hindi pera tulad ng edukasyon, pabahay, kalusugan at trabaho; walang tagapagpahiwatig na sero.

https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/136930

May nananatili ring milyun-milyong pamilyang Pilipino na itinuturing ang mga sarili na mahirap o nagsasabing naranasan nila ang gutom ng hindi kusa.

Ang survey ng Social Weather Stations para sa ikatlong quarter ng taon ay natuklasan na:

  • Tinatayang 12.2 milyong pamilya ang itinuturing ang mga sarili na mahirap.
  • Tinatayang 3.1 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom ng hindi kusa ng hindi bababa sa isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

NDMstudios Facebook page, BONG GO NA, BAI! (Suporta para kay Kuya Bong GO), Dec. 5, 2018 (video taken down); video may also be accessed here

Philippine Statistics Authority, Filipino Families Are Most Deprived in Education, Nov. 14, 2018

Philippine Statistics Authority, Poverty Among the Basic Sectors in the Philippines, Jul. 18, 2017

Social Weather Stations, Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Self-Rated Poverty rises to 52%, Oct. 9, 2018

Social Weather Stations, Third Quarter 2018 Social Weather Survey: Hunger rises to 13.3%, Oct. 12, 2018

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.