Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Andanar binaluktot ang pahayag ni UN SecGen Guterres

Niligaw ni Communications Secretary Martin Andanar ang publiko nang sinabi niya na “pinaalalahanan” ni United Nations (UN) Secretary General António Guterres ang organisasyon na huwag maging biktima ng mga samahan na "gumagamit ng karapatang pantao" upang isulong ang kanilang "hidden agenda."

By VERA Files

Mar 5, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Niligaw ni Communications Secretary Martin Andanar ang publiko nang sinabi niya na “pinaalalahanan” ni United Nations (UN) Secretary General António Guterres ang organisasyon na huwag maging biktima ng mga samahan na “gumagamit ng karapatang pantao” upang isulong ang kanilang “hidden agenda.”

PAHAYAG

Noong Peb. 26, nagsalita si Andanar sa ika-43 sesyon ng UN Human Rights Council (HRC) at “ipinagtanggol” ang gobyerno sa mga paratang na pagkitil ng kalayaan ng pamamahayag at paglabag sa karapatang pantao.

Sa kanyang pagbabalik, tinanong si Andanar sa isang panayam sa radyo noong Marso 2 tungkol sa tugon ng organisasyon sa kanyang sinabi. Sinabing “maganda” ang tugon ng UN senior officials at may palakpakan pa, idinagdag ni Andanar:

[A]bout two days ago (Mga dalawang araw na ang nakaraan) ay naglabas po ng statement (pahayag) ang [UN] na sinasabi po ni Secretary General Guterres na pinapaalalahanan niya ang [UN] na huwag magpagamit at kailangan maging alisto sa mga organisasyon na ginagamit ‘yung human rights (karapatang pantao) pero may ibang hidden agenda. Ayun, nag-release ng statement (naglabas ng pahayag) si SecGen Guterres.

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Interview with [PCOO] Secretary Martin Andanar by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffeebreak), Marso 2, 2020

Inihayag ng kalihim na ito ay “resulta” ng mga pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na makipag-ugnay sa mga opisyal ng UN sa isang diyalogo.

 

ANG KATOTOHAN

Ni ang UN o si Guterres ay naglabas ng pahayag bilang tugon sa talumpati ni Andanar noong Peb. 26. Ang pinakahuling pahayag ni Guterres na malapit sa sinabi ni Andanar ay noong Peb. 24, o dalawang araw bago nagsalita ang PCOO chief sa UNHRC, ngunit walang nabanggit na mga organisasyon na ginagamit ang UN upang isulong ang isang “hidden agenda” sa pamamagitan ng karapatang pantao.

Ang talagang sinabi ng opisyal ng UN sa kanyang mga pahayag ay:

Human rights are the birth right of every person and in the interests of every country. They ensure stability. They build solidarity. They promote inclusion and growth. They must never be a vehicle for double standards or a means to pursue hidden agendas.

(Ang karapatang pantao ay karapatan ng bawat tao at sa interes ng bawat bansa. Tinitiyak nito ang katatagan. Binubuo nito pagkakaisa. Itinataguyod nito ang pagsasama at pagunlad. Hindi ito dapat maging isang behikulo para sa dalawang uri ng pamantayan o isang paraan upang isulong ang hidden agenda.)”

Pinagmulan: United Nations, Basic Freedoms Under Assault, Secretary-General Tells Human Rights Council, Launching Call to Revive Respect for Dignity, Equality amid Rising Tensions, Peb. 24, 2020

Pinaalalahanan ni Guterres ang konseho na ang karapatang pantao ay “sentral” sa ginagawa ng UN, at nagsisilbi silang “sagot” sa “mga tensyon at pagsubok” na kinakaharap ng mundo ngayon.

Sinabi rin niya, habang ang soberanya ay nananatiling isang “bedrock ng international relations,” ito ay “hindi maaaring maging dahilan para labagin ang karapatang pantao”:

We must overcome the false dichotomy between human rights and national sovereignty. Human rights and national sovereignty go hand-in-hand. The promotion of human rights strengthens States and societies, thereby reinforcing sovereignty.

(Dapat nating pagtagumpayan ang maling dichotomy sa pagitan ng mga karapatang pantao at pambansang soberanya. Ang mga karapatang pantao at pambansang soberanya ay magkakasabay. Ang pagtataguyod ng karapatang pantao ay nagpapatibay sa mga Estado at lipunan, sa gayon pinapatibay ang soberanya.)”

Ginamit ng administrasyong Duterte ang pambansang soberanya bilang isang argumento laban sa mga akusasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao mula sa mga international entities, tulad ng UN, simula pa ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Agosto 2016, matapos magbanta si Duterte na aalis sa UN — kasunod ng pahayag ng mga UN special rapporteurs na “naghihimok” sa bansa na “itigil ang unlawful killings” ng mga drug suspect — sinabi ng noo’y Presidential Spokesperson Ernesto Abella:

[H]e (Duterte) was just…reiterating the national sovereignty (of the country)…he was basically stating the fact that the Philippines is a sovereign nation and should not be meddled with (Si [Duterte] ay … muli lamang pinagsasaalang-alang ang pambansang soberanya [ng bansa] … sinasabi niya lang ang katotohanan na ang Pilipinas ay isang soberanong bansa at hindi dapat pinakikialaman).”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Conference of PCO Secretary Martin ANdanar, Presidential Spokesperson Ernesto Abella, DILG Secretary Ismael “Mike” Sueno and Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Agosto 22, 2016

Noong Hunyo 8, 2019, tinawag ng kasalukuyang spokesman ni Duterte na si Salvador Panelo ang pahayag ng 11 UN special rapporteurs para sa isang pagsisiyasat sa giyera laban sa droga ng gobyerno ng Pilipinas na isang “labis na panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas.”

Muling inulit ni Panelo ang parehong argumento noong Hulyo 5, 2019, isang araw matapos isampa ng Iceland sa UNHRC ang draft na resolusyon na nanawagan sa UN High Commissioner on Human Rights na maghanda ng isang “komprehensibong written report” sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa:

Any attempt…by any foreign country to interfere with how this Government maintains its peace and order, not only is an affront to their intellect but an interference with the country’s sovereignty as well.

(Ang anumang pagtatangka … ng kahit na sinumang dayuhang bansa na makialam sa kung paano pinananatili ng Pamahalaan ang kapayapaan at kaayusan, ay hindi lamang insulto sa kanilang pag-iisip kundi isang panghihimasok din sa soberanya ng bansa.)”

Pinagmulan: Office of the Presidential Spokesperson official Facebook page, On the call for a UN investigation, Hulyo 5, 2019

Sinasabing ang mga dayuhang gobyerno ay nabigyan ng “maling balita” tungkol sa kampanya ni Duterte kontra iligal na droga, idinagdag ng tagapagsalita:

[W]e ask some state-members of the UN to be more circumspect in evaluating reports concerning the domestic affairs of other countries in order that they may demonstrate respect to the latter’s sovereignty and independence.

(Hiling namin sa ilang mga state-member ng UN na maging higit na maingat sa pagsusuri ng mga ulat tungkol sa mga panloka na usapin ng ibang mga bansa upang maipakita nila ang paggalang sa soberanya at kalayaan ng huli.)”

 

Mga Pinagmulan

Philippines Information Agency, PH calls for prudence amid allegations on human rights, Feb. 27, 2020

Presidential Communications Operations Office, Interview with [PCOO] Secretary Martin Andanar by Henry Uri and Missy Hista (DZRH – Coffeebreak), March 2, 2020

Un.org, Press release

Un.org, Statements and messages

United Nations, Basic Freedoms Under Assault, Secretary-General Tells Human Rights Council, Launching Call to Revive Respect for Dignity, Equality amid Rising Tensions, Feb. 24, 2020

Official Gazette, Press Conference of President Rodrigo Roa Duterte, Aug. 21, 2016

Ohchr.org, UN experts urge the Philippines to stop unlawful killings of people suspected of drug-related offences, Aug. 18, 2016

Presidential Communications Operations Office, Press Conference of PCO Secretary Martin ANdanar, Presidential Spokesperson Ernesto Abella, DILG Secretary Ismael “Mike” Sueno and Customs Commissioner Nicanor Faeldon, Aug. 22, 2016

Ohchr.org, UN human rights experts call for independent probe into Philippines violations, June 7, 2019

Office of the Presidential Spokesperson official Facebook page, On the call of the UN Special Rapporteurs for an international probe on PH, June 8, 2019

Un.org, Promotion and protection of human rights in the Philippines (A/HRC/41/L.20), July 5, 2019

Office of the Presidential Spokesperson official Facebook page, On the call for a UN investigation, July 5, 2019

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.