Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Andanar mali sa pahayag na PH ang may pinakamalakas na GDP growth rate sa ASEAN

Mali si Communications Secretary Martin Andanar nang, matapos ituro ang Department of Finance (DoF), sinabing ang Pilipinas ang may pinakamalakas na gross domestic product (GDP) growth rate sa mga bansa sa Southeast Asia.

By VERA Files

Jan 28, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali si Communications Secretary Martin Andanar nang, matapos ituro ang Department of Finance (DoF), sinabing ang Pilipinas ang may pinakamalakas na gross domestic product (GDP) growth rate sa mga bansa sa Southeast Asia.

PAHAYAG

Habang tinatalakay sa isang panayam sa radyo noong Enero 21 ang mga pang-imprastraktura at pang-ekonomiyang plano ng administrasyong Duterte sa natitirang dalawa at kalahating taon ng termino nito, sinabi ni Andanar:

As a matter of fact (Sa katunayan), sabi nga ng Department of Finance at isa pang independent na economist (independiyenteng ekonomista), ‘no, na ang ating GDP ang pinakamalakas na GDP growth dito sa ating region (rehiyon), sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) — o (or) Southeast Asia.”

Pinagmulan: DZRH, DZRH News Television Live Stream, Enero 21, 2020, panoorin mula 3:22:28 hanggang 3:32:48

Sa 2016 annual report nito, sinabi ng DoF na ang 6.9 percent GDP growth rate ng bansa ang “pinakamataas sa rehiyon.” Gayunpaman, sa isang kasamang chart, inihambing lamang ng ulat ang Pilipinas sa Malaysia, Indonesia, Thailand, at Vietnam.

ANG KATOTOHANAN

Ang pinakabagong magagamit na datos mula sa ASEAN statistics division, ang opisyal na statistics provider ng ASEAN, ay nagpapakita na ang Pilipinas ay hindi kailanman nagkaroon ng pinakamalakas na real GDP growth rate sa mga 10 estadong kasapi mula 2016 hanggang 2018.

Noong 2018, ang bansa ay ika-lima na may 6.2 percent, huli sa 7.5 percent ng Cambodia, 7.1 percent ng Vietnam, 6.8 percent ng Myanmar, at 6.3 percent ng Lao People’s Democratic Republic (PDR).

Ang bansa ay may pinakamalakas na GDP growth rate sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na nasa 6.9 percent — isang tagumpay na nagawa rin ng kanyang hinalinhan, si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kahit na noon, ang Pilipinas tabla sa Cambodia sa pangalawang puwesto, kasunod lamang sa Lao PDR, na mayroong GDP growth rate na 7 percent, ayon sa datos ng ASEAN.

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 23 na naitala nito ang GDP growth rate ng bansa para sa buong taon ng 2019 sa 5.9 percent. Ito ang “pinakamabagal na [paglago] ng Pilipinas sa loob ng walong taon” at “bahagyang” mababa sa binagong target ng pamahalaan na 6 hanggang 6.5 percent, sinabi ni Secretary Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa isang pahayag.

Tinukoy ng NEDA ang GDP bilang kabuuang halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa bansa sa loob ng isang tiyak na panahon.

Ang GDP growth rate ay ang percentage change sa real GDP sa pagitan ng dalawang magkakasunod na taon, ayon sa United Nations Statistics Division. Ang isang positibong pagbabago sa taunang GDP growth rate “ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang pagtaas sa pamantayan ng pamumuhay” ng mga tao sa isang bansa o lugar, idinagdag nito.

 

Mga Pinagmulan

DZRH, DZRH News Television Live Stream, Jan. 21, 2020

Department of Finance, Annual Report 2016 p. 5, 2017, 2018

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Stats, ASEAN Key Figures 2019

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Stats Data Portal, Growth of the gross domestic product (GDP) in ASEAN, year-on-year (Annually ; Quarterly), Accessed on Jan. 22, 2019

Philippine Statistics Authority official Facebook page, LIVE: PSA Press Conference on the 2019 Fourth Quarter Performance of the Philippine Economy. #PHGDP, Jan. 23, 2020

National Economic Development Authority, STATEMENT OF SOCIOECONOMIC PLANNING SECRETARY ERNESTO M. PERNIA AT THE PRESS CONFERENCE ON THE PHILIPPINE ECONOMIC PERFORMANCE FOR THE FOURTH QUARTER AND FULL-YEAR OF 2019, Jan. 23, 2020

Association of Southeast Asian Nations official website, ASEAN Member States – ASEAN | ONE VISION ONE IDENTITY ONE COMMUNITY

United Nations Statistics Division, Glossary – amaWebClient

National Economic and Development Authority, Eko_and_Miya_Gross_Domestic_Product

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.