Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Mga kailangan mong malaman tungkol sa panukalang anti-terrorism bill ng Senado

Ipinasa ng Senado sa third at final reading noong Peb. 26 ang Senate Bill 1083, o "Anti-Terrorism Act of 2020," isang panukala na naglalayong i-update at ipawalang-bisa ang ilang mga probisyon ng Human Security Act (HSA) at “palakasin" ang kakayahan ng bansa na labanan ang terorismo.

By VERA Files

Mar 5, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinasa ng Senado sa third at final reading noong Peb. 26 ang Senate Bill 1083, o “Anti-Terrorism Act of 2020,” isang panukala na naglalayong i-update at ipawalang-bisa ang ilang mga probisyon ng Human Security Act (HSA) at “palakasin” ang kakayahan ng bansa na labanan ang terorismo.

Labinsiyam na mga senador ang bumoto pabor sa panukalang batas; tanging mga senador ng minorya na sina Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros ang bumoto laban dito. Sa pagpapaliwanag ng kanyang boto, sinabi ni Pangilinan na ang mga pagbabago sa HSA ay “nakakabahala” at maaaring gamitin ang batas na “isang mas masamang kasangkapan sa panunupil, sa halip na isang instrumento para hadlangan ang mga terorista,” habang si Hontiveros, sa isang pakikipanayam sa media, ay nagsabing ang “demokratiko kalayaan “ay hindi dapat isakripisyo “sa pangalan ng seguridad.”

Paano naiiba ang iminungkahing Anti-Terrorism law ng Senado sa HSA? Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman:

1. Pinalalawak ng panukalang batas ang kahulugan ng terrorist acts.

Ang HSA, na ipinatupad noong 2007, ay tumutukoy sa terorismo bilang paglabag sa ilang mga probisyon ng Revised Penal Code — tulad ng piracy, paghihimagsik, insureksyon, kudeta, murder, kidnapping at serious illegal detention — para sa layuning maghasik ng “malawak at pambihirang takot at panic “sa mga tao upang “pilitin ang pamahalaan na bumigay sa kahilingang labag sa batas.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Bakit peligroso ang ‘red-tagging’)

Sa ilalim ng Anti-Terrorism bill, sa kabilang banda, ang terorismo ay pagsasagawa ng mga tao sa loob o labas ng bansa ng ilang mga pagkilos, “anuman mang yugto ng pagsasakatuparan,” para matakot ang buo, o isang seksyon ng publiko, at lumikha ng isang “kapaligirang saklot ng takot” upang:

  • pukawin o impluwensyahan [sa pamamagitan ng] pananakot ang pamahalaan o alinman sa mga internasyonal na organisasyon;
  • ibagsak o sirain ang mga pangunahing istrukturang pampulitika, pang-ekonomiya, o panlipunan ng bansa;
  • lumikha ng isang pampublikong emergency; o,
  • pahinain nang husto ang kaligtasan ng publiko.

Ang mga gawaing ito, na may parusang pagkabilanggo ng habang buhay na walang parole, ay:

Pinalawak rin ng panukalang batas ang mga uri ng kasong terorismo:

Ang ilan sa mga pagkilos na ito ay dati nang isinasaalang-alang bilang paunang mga krimen sa terorismo at hindi mismo mga gawaing terorista. Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, ang sponsor ng panukalang batas, na ang panukalang batas ay naging mas “proactive” at “direkta” dahil sa pag-alis ng mga predicate na krimen.

2. Pinalawig ng panukalang batas ang panahon ng detensyon ng pinaghihinalaang terorista matapos maaresto ng walang warrant at tinanggal ang P500,000 na multa para sa mga nagkakamaling mga opisyal.

Sa ilalim ng HSA, ang isang tao na naaresto nang walang warrant dahil sa terorismo ay maaaring makulong nang maximum na tatlong araw, at dapat na iharap, bago ang detensyon, sa pinakamalapit na hukom, na magpapasya kung ang suspek ay dumaan sa alinman sa pisikal, moral o psychological na pagpapahirap, bukod sa iba pang mga gawain.

Ang pagkabigo na palayain ang suspek sa tamang oras o iharap ang mga ito sa hukom ay magreresulta sa parusang pagkabilanggo sa loob ng 10 hanggang 12 taon.

Ang Sec. 29 ng panukalang batas, sa kabilang banda, ay naglalayong palawakin ang mga araw ng pagkakulong sa 14, na maaaring pahabain ng 10 pang araw, kung kinakailangan, upang mapanatili ang katibayan, maiwasan ang darating na pag-atake ng terorista, o maayos na magtapos ang pagsisiyasat.

Hindi nito isinama ang probisyon na nag-uutos sa mga tagapagpatupad ng batas na iharap ang pinaghihinalaang terorista sa pinakamalapit na hukom bago ikulong. Ang pagpapanatili sa suspek ng higit sa 14 na araw nang walang mga kondisyon para sa extension ay may parusa ng 10 taong pagkakabilanggo.

Ang parehong mga panukala ay nagbibigay ng mga karapatan sa nakulong, kabilang ang isang logbook sa mga pamamaraan at mga bisita ng nakakulong, ang kanilang karapatan na magkaroon ng abugado, ang kanilang karapatan sa privacy, at ang kanilang mga karapatan sa pagtanggap ng bisita.

Ang panukalang batas, gayunpaman, ay tinanggal ang probisyon tungkol sa danyos para sa hindi napatunayang kaso ng terorismo sa ilalim ng Sec. 50 ng HSA, na nagbibigay sa sinumang inaakusahan at hindi napatunayan na terorista ng P500,000 para sa bawat araw na ginugol sa detensyon. Sinabi ni Lacson na ang probisyon na ito ang dahilan ng pag-aatubili ng mga tagapagpatupad ng batas na magsampa ng mga kaso batay sa HSA dahil sa takot na magbayad ng multa.

3. Ang panukalang batas ay nagpapalawak ng panahon na maaaring subaybayan ang komunikasyon ng isang tao.

Kasalukuyang pinapayagan ng HSA nang hanggang 30 araw na pagsubaybay sa mga komunikasyon sa telepono ng suspek, kung may probable cause at ang tagapagpatupad ng batas o mga tauhan ng militar ay nakakuha ng permiso mula sa Court of Appeals. Ang panahon ng pag wiretap ay maaaring mapalawig o ma renew ng hindi hihigit sa 30 araw kung ang kaso ay para sa interes ng publiko at ang orihinal na aplikante ay humingi ng pahintulot para dito.

Ang Sec. 16 ng anti-terrorism bill, sa kabilang banda, ay pinalawak ang orihinal na 30-araw hanggang 60 araw, ngunit pinapanatili ang panahon at mga kinakailangan para sa isang extension.

Sa parehong mga kaso, ang mga komunikasyon sa pagitan ng mga abogado at kliyente, mga doktor at mga pasyente, mamamahayag at pinagkukunan ng impormasyon, at kumpidensyal na sulat kaugnay ng negosyo ay hindi pinapayagan na ma-record.

 

Mga Pinagmulan

Senate of the Philippines, Senate OKs bill repealing the Anti-Terrorism Law, Feb. 26, 2020

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1083

Official Gazette, Republic Act No. 9372

Interaksyon, Questions, fears over ‘human rights violations’ as Senate OKs new Anti Terrorism bill, Feb. 28, 2020

Senate of the Philippines, Explanation of No Vote of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on Senate Bill No. 1083, Feb. 26, 2020

ANC 24/7, Anti-terrorism act may be used to target groups expressing dissent, says Hontiveros | Headstart, Feb. 27, 2020

National Union of Peoples’ Lawyers official Facebook page, Press Statement on the Passage of Senate Bill No. 1083, Feb. 28, 2020

Senate of the Philippines, Sotto: Anti-Terror Act, Feb. 27, 2020

Panfilo ‘Ping’ Lacson, Interview on DZBB: Proactive na Tayo vs Terorismo, Feb. 28, 2020

Panfilo ‘Ping’ Lacson, Kapihan sa Senado forum, Feb. 27, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.